Rica nanawagan sa seguridad at proteksyon ng mga kasambahay: Nakatagpo kami ng maayos na kasama sa buhay…

Joseph Bonifacio, Rica Peralejo, Philip at Manu Bonifacio

PINASALAMATAN at pinuri ng ilang netizens ang aktres na si Rica Peralejo matapos siyang mag-post sa social media tungkol sa mga kasambahay.

Na-appreciate kasi ng mga house helpers ang pagmamahal, respeto at pagpapahalaga na ibinibigay ni Rica at ng buo niyang pamilya sa kanilang mga kasambahay.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ng isang video clip ang celebrity mommy kung saan naglabas nga siya ng saloobin tungkol sa mga taong kinukuha natin para may mga makatulong sa mga gawaing bahay at sa pag-aalaga sa ating pamilya.

Ang caption ni Rica sa kanyang IG video, “Minsan naiisip ko kung ano ba talaga yung nawawala sa mga kasambahay natin kapag nagtratrabaho sila sa atin.

“Pero hindi ko din maalis yung katotohanan na some of the best relationships you can have in life ay yung makatagpo ka ng isang taong magiging parang pamilya mo na sa buti at pagmamahal nya sa pagsisilbi sa iyo.

“More of my thoughts on this very Filipino culture and how grateful I am na nakatagpo kami ng maayos na kasama sa buhay. #RPB #RicaPeralejo,” sabi pa ni Rica Peralejo.

Nabanggit ng aktres na napalaki ng utang na loob nila sa mga kasama nila sa bahay at talagang itinuturing na nila ang mga ito bilang mga kapamilya.

Umaasa rin si Rica na mas mabigyan pa ng pansin ng pamahalaan ang sitwasyon ng lahat ng namamasukang kasambahay sa bansa para sa kanilang proteksyon at seguridad.

“You are a good and nice person sna dumami ang tulad mo na di mataas yoyr a good job and you are ine of a sildier of God.”


“Heads up and hands down to those people working as a kasambahay. My mother is still working abroad as a helper and hindi kami makakapag tapos ng pag aaral kung hindi dahil sa work ng mama namin. Thank you for appreciating them ate Carla @ricaperalejo.”

Yan ang ilan sa mga comments ng netizens sa naging pahayag ng aktres tungkol sa pagpapahalaga sa mga house helpers.

Kung matatandaan, sa isa niyang vlog, sinabi ni Rica na dalawa lang talaga ang mga kasambahay nila, na katuwang nila ng asawang si Joseph Bonifacio sa mga gawaing bahay at sa pag-aalaga sa mga anak nila — sina Philip at Manu.

“We don’t like to have a lot of staff. Hindi po namin gusto na marami kaming kasambahay. Not because ayaw namin ng kasambahay. But because there’s a bigger reason for that.

“I have growing boys and in my experience, when you have a lot of staff, the kids in the home really don’t learn their responsibilities because mas madaling umasa.

“I don’t know, maybe some families are able to do that. Have a lot of staff, but then, you know, have their kids be responsible din at the same time.

“But for me, na-feel ko that the more I have staff, the more ako mismo umaasa sa kanila than me doing things myself.

“And then actually passing it on to my children na, ‘O kayo din, you have responsibilities.’

“Parang it’s just really natural and normal na when no one else can do the job then someone would rise up to the position and to the job,” pahayag ni Rica.

https://bandera.inquirer.net/280624/kasambahay-nag-iiyak-nang-biglang-mag-away-sina-vice-at-ion

https://bandera.inquirer.net/289973/rica-peralejo-hinangaan-sa-post-tungkol-sa-self-love

https://bandera.inquirer.net/316027/sikat-na-aktres-puro-tira-tirang-ulam-ang-inireregalo-kaibigan-nagreklamo-sa-panis-na-pasalubong

Read more...