Bianca Gonzalez sa isyung ‘pro-Marcos’ siya: Hindi naiba ang paninindigan ko dahil sa isang speech

Bianca Gonzalez sa isyung 'pro-Marcos' siya:  Hindi naiba ang paninindigan ko dahil sa isang speech

USAP-USAPAN ngayon ang Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez dahil sa kanyang pagpuri sa naganap na State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos kahapon, July 25.

Sa Twitter ay ipinahayag ng TV host ang kanyang pagpuri sa nanalong pangulo ng bansa.

“That was a good SONA for PBBM. Here’s hoping this admin delivers on the promises, para sa Bayan,” saad ni Bianca.

Dagdag pa nito, “I may have voted for Leni Robredo and I still believe the Marcos family needs to be accountable for the stolen wealth and the ML human rights abuses, but BBM is our duly elected President and I felt his SONA was good. Kung successful ang admin, success din ng Bayan.”

Marami naman sa mga netizens ang nag-akala na nagbago na ng “side” na sinusuportahan si Bianca kaya naman agad itong nilinaw ng “Pinoy Big Brother” main host.

“Hindi ako nag ‘change sides’ at hindi naiba ang paninindigan ko dahil sa isang speech,” paglilinaw niya.

Nagkaroon rin ng pagpapalitan ng tweets sa pagitan nila ng singer/songwriter na si Johnoy Danao.

“He was just reading a speech. Just like what he was doing during the campaign, puro kasinungalingan. Para sa bayan? Pls. Magbayad ng utang, pakulong ang nanay, panagutin sa mga ninakaw ng pamilya sa kaban ng bayan. Mind you, fake news/troll farm ginamit ng ‘duly elected’,” saad ni Johnoy.

Sagot ni Bianca, “Exactly what you said, it’s only a speech, and speech lang ang ‘good’ na sinabi ko. The admin has yet to put in the work to deliver. Hindi nag-iba ang paninindigan ko dahil lang sa isang speech. #NeverForget pa rin ang stand ko, kailangan managot sa mga nagawa.”

Dagdag pa niya, “Salamat din sa pagpoint out ng ‘duly elected’. Will be more mindful sa pagpili ng terms.

Kasama niyo pa rin ako sa People’s Movement/Angat Buhay ni Ma’am Leni. Bakit naman magbabago yun dahil sa isang speech? Laban pa rin for good governance ito, Sir.”

Matatandaang isa si Bianca sa mga personalidad na vocal sa kanilang paninindigan na singilin ang mga Marcos sa mga kaso at mga pagkakautang ng pamilya nito sa taumbayan.

Isa rin ang aktres sa mga nagsusulong ng pagkakaroon ng good governance sa bansa at nagpakita rin ng pagsuporta sa pagtakbo ng tambalang Leni Robredo-Kiko Pangilinan sa nagdaang eleksyon.

Related Chika:
#MarcosNotAHero: Bianca Gonzalez nagsalita na ukol sa controversial interview ni Toni

Bianca Gonzalez pinuri ang Sona ni PBBM pero may patutsada pa rin; G Tongi tumalak dahil sa pabonggahan ng OOTD

Bianca Gonzalez binalikan ang pagiging PBB housemate, nagpasalamat kina Toni at Mariel

Read more...