Julius Naranjo nag-offer ng pre-nup agreement kay Hidilyn Diaz

Julius Naranjo nag-offer ng pre-nup agreement kay Hidilyn Diaz

INAMIN ni Julius Naranjo na nag-offer siya ng pre-nuptial agreement sa kanyang fiancè na Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Ito ay ibinahagi niya sa kanilang exclusive pre-wedding interview kay Karen Davila na mapapanood sa YouTube channel ng brodkaster.

Ayon kay Julius, ito raw ang pamamaraan niya upang patunayan na puro ang intensyon niyang pakasalan ang atleta.

“It’s not about anything material. The marriage is about us. And continuing to work for us,” saad niya.

Sey pa niya, gusto niyang makasama si Hidilyn at hindi siya after sa mga properties ng atleta na napanalunan niya at natanggap niya matapos masungkit ang gold medal sa nagdaang Tokyo Games.

“What’s hers is hers, What’s mine is hers. I think things like that are so normal these days. Whether it happens or not, when we get married it’s about loving each other. It’s not about the properties or whatever,” pagpapatuloy ni Julius.

Umaapaw rin kasi ang mga blessing na natanggap ni Hidilyn matapos nitong makuha ang unang gold medal para sa Pilipinas. Bukod sa napanalunan ay marami ring mga kumpanya ang nagregalo at nagbigay ng pabuya sa atleta na deserve na deserve naman nito. Kaya hindi na rin kataka-taka kung may mga “Marites” ang gagawa ng isyu at sasabihing ito lang ang habol niya sa kasintahan.

Pero secured naman na ang atleta dahil napatunayan na raw ni Julius ang pagmamahal nito sa kanya.

“Napatunayan niya na mahal niya ako. Para sa akin kasi it’s just a piece of paper and what’s important is us. Si God nandyan eh,” pagbabahagi naman ni Hidilyn.

Ibinahagi rin nilang dalawa ang plano nilang bumuo ng pamilya pagkatapos ng kanyang pagsali sa Paris Olympics.

Ngayong araw nakatakda ang pag-iisang dibdib nina Julius at Hidilyn na gaganapin sa Philippine Military Academy sa Baguio City kasabay na rin ng selebrasyon niya isang taon matapos niyang mapagtagumpayan ang nagdaang Tokyo Games.

Related Chika:
Hidilyn Diaz, Julius Naranjo engaged na!

Hidilyn Diaz magpapakasal kay Julius Naranjo sa mismong petsa nang manalo siya ng gold medal sa Tokyo Olympics

Read more...