Hirit ni Anne kay Vice Ganda: Kaya sistarette, ito na, pumangit ka na!

Anne Curtis at Vice Ganda

LAUGH trip na naman ang mga Kapamilya viewers sa nakakalokang laglagan at okrayan ng magkaibigang Anne Curtis at Vice Ganda.

Nangyari ito sa live episode ng kanilang programa na “It’s Showtime” kahapon, July 25, sa segment na “Miss Q&A”.

Binabasa nina Vice at Anne ang kanilang spiel para sa mechanics  ng susunod na bahagi ng contest kung saan magdedebate na ang mga kandidatang naglalaban-laban.

Habang nagsasalita, isiningit ni Anne ang pagsasabi kay Vice na pumagitna sa stage at muling tumingin sa teleprompter sabay dialogue ng, “Kaya sistarette, ito na, pumangit ka na!”


Agad namang itinama ng co-host nilang si Vhong Navarro si Anne sa pagkakamali nito, “Hindi pumangit!”

Kasunod nito, tinitigan ni Vice ng masama si Anne at lumapit sa kinaroroonan nito sabay hampas ng hawak niyang cue cards sa pwet ng actress-TV host.

Hirit niya kay Anne, “Anong ‘Pumangit ka na?!’”

Sagot naman ng misis ni Erwan Heussaff, “Ay, mali pala yung pagkabasa ko.” Nagkunwari namang sinasakal ng komedyante ang kaibigan.

Sinisi ni Anne ang teleprompterbsa kanyang pagkakamali sabay sabing, “Pumagitna ka na. Mali pala yung pagkabasa ko!”

Pero patuloy pa rin siyang sinasakal ni Vice, “Akala mo ha! Walang dyosa-dyosa sa akin!”

Kasunod nito, pumagitna na nga si Vice sa stage at tinawag si Jhong Hilario para samahan siya, “Uy, sumama ka…para mas pumangit ka!”

Hirit na pang-ookray naman sa kanya ni Jhong, “Compliment yung sinabi niya kasi ibig sabihin, maganda ka tapos papangit.”

Tatawa-tawa lang si Vice sa panlalait ni Jhong at muling binalingan si Anne, “Tandaan mo iyan, sinasabi ko sa iyo!”

Pag-amin naman ng aktres at TV host kay Vice, “Alam mo kung sino nagturo sa akin? Itong dalawang ito,” sabay turo kina Jhong at Vhong.

Natatawang hirit ni Jhong kay Anne, “Nagtuturo ka na naman!”
Akmang susuntukin naman ni Vice si Vhong at humirit ng “Makain mo sana yung ngipin mo!”
https://bandera.inquirer.net/319594/vice-ion-ogie-kim-naloka-sa-fast-tour-vlog-ni-jhong-pangit-ang-mahabang-vlog

https://bandera.inquirer.net/315065/jhong-hilario-sinorpresa-ang-mga-kaibigan-sa-pagbabalik-sa-its-showtime-vice-ganda-napaiyak
https://bandera.inquirer.net/288239/megan-mikael-umamin-palagi-naming-nakakalimutan-ang-birthday-at-anniversary-namin

Read more...