Regine, Jaya muling nagkita, super bonding sa Amerika: Kulang ang oras, pero grabe ang chika, di ba?

Jaya at Regine Velasquez

TUWANG-TUWA ang Soul Diva na si Jaya nang muling makita at makasama ang kanyang BFF na si Regine Velasquez sa Amerika.

Nabigyan ng chance ang dalawang OPM icon na magkakumustahan pagkatapos ng “ICONIC” concert ng Asia’s Songbird at ni Megastar Sharon Cuneta sa US kamakailan.

Nanood din kasi si Jaya ng show nina Mega at Ate Regs at pagkatapos nga nito ay nagkita-kita sila kasama ang husband ni Regine na si Ogie Alcasid para makapag-bonding nang bonggang-bongga.

Mahigit isang taon na mula nang magdesisyon si Jaya na iwan ang career niya sa Pilipinas para magsimulang muli ng kanilang pribadong buhay sa Amerika kasama ang kanyang asawa at anak.


Nag-share ang Soul Diva na litrato nila ni Regine sa Instagram na kuha sa loob ng dressing room pagkatapos ng “ICONIC” concert.

“Finally together and I am soooo happy to see you Mare…and Ate Sharon and good to talk to your Baba Ogie,” sey ni Jaya sa caption.

Aniya pa, “Kulang ang oras pero grabe ang chika diba? So proud of you and happy to be just sit back and enjoy your glorious performance. You and Ate Sharon are and will be forever ICONIC.”

Isa mga nagkomento sa IG post ni Jaya ay ang kaibigan din nilang si Jolina Magdangal. Ani Jolens, “Na happy ako makita kayo magkasama ate Iyay and ate Reg!!!!”

Sagot naman ni Jaya, “Jolens!!! Napag usapan ka namin and ang saya na magkasama kayo sa show! Love you.”

Sa isang panayam, naging emosyonal si Regine nang malamang aalis na sa Pilipinas si Jaya, “Nahe-hurt ako kasi feeling ko iniwan ako ng kaibigan ko so hindi ko siya kinausap although nag-usap na kami.

“Pero hindi ko masabi na nahe-hurt ako kasi iniiwan mo ako, ganu’n ‘yung feeling ko. Kasi parang di ba, magkaibigan tayo dapat di ba, lagi tayong magkasama,” pahayag ng Songbird.

https://bandera.inquirer.net/299009/jaya-maligayang-maligaya-ngayon-sa-us-kasama-ang-pamilya-waley-talaga-akong-regret

https://bandera.inquirer.net/288029/jaya-umalis-na-ng-pinas-im-just-saying-thank-you-basta-babalik-na-lang-ako-pag-open-na-lahat

https://bandera.inquirer.net/311471/regine-velasquez-na-hurt-nang-umalis-si-jaya-dapat-lagi-tayong-magkasama

Read more...