Watching some shows lately at napansin namin na parang dumarami ang look-alikes ng mga celebrities ngayon. ‘Yung isang semi-finalist sa reality show ng Dos na si Janice Javier ay napansin naming kamukha ni Jessica Soho.
‘Yung look-alike naman ni President P-Noy sa pakontes ng It’s Showtime ay actually hindi naman kahawig ni P-Noy kundi ni Josh, ang anak ni Kris Aquino.
‘Yung Klarisse naman sa The Voice na kasabayan ni Sarah Geronimo noong amateur contest days niya ay medyo hawig kay Rachelle Ann Go. Obserbasyon lang naming ‘yan, ha, at sana’y ‘wag ikagalit ng mga kinauukulan.
Anyway, ang dami palang nagalit kay Sarah when she chose Klarisse over Morisette sa pakontes ng Dos. Kami man ay bet na bet namin si Morisette dahil she’s a complete package – magaling kumanta, me personality naman at hataw ang performance.
We were one of the many who were disappointed when she was booted out of the semi-finals round. Ang feeling namin, there is a grave injustice. Between her and Klarisse, hindi hamak naman na mas mahusay at mas may personality siya, no!
Kaya lang, bukod sa inilaglag ni Sarah si Morisette ay nalaglag din ang dalaga sa public vote kaya natsugi ang beauty niya.
“Alam q tlaga na c klarisse ang choice ni Sarah at ung txtvotes alam q ginastusan tlaga yun to make xur c klarisse ang manalo kasi nung last live show ang baba ng public votes nya.
I have no right to question sarah g’s dcsion, its just that i am very dissapointd parin eventhough i knw it frm d start na c klarise ang mananalo,” comment ng isang fan.
Bilang pakunsuwelo marahil, ito naman ang say ng isang maka-Morisette, “Im sure sisikat c Mori! ang bata pa nya, like what happend to Charice. Hndi batayan ang pagiging grand winner para may kasiguraduhan na sisikat xa.
Maraming maghahabol sa btang yan.” Ang hiling naman ng isa ay irespeto si Sarah, “Respect everyone comment bet ko si mori.its just not her luck, yung marunong umintindi sa result walang kasalanan si sarah.”
“Tao bumuto kay klarisse di rin excuse ang song na kinanta.sa mga nag rereklamo bakit di si mori pumasok kau ba ay nag vote kay mori? kung nag vote kau di pasok sana si mori kaso puro lang reklamo tao blame nyo pa si sarah tao nga naman love manisi ng kapwa move on everyone,” sabi pa ng isang maka-Sarah.
“Bat ba ke sarah kau mgglit eh pti nmn txt vote c klarisse ang lamang!” one Sarah fan said. Naobserbahan lang namin, si Klarisse talaga ang pambato ni Sarah. She kept on saying that now is her time to shine.
Knowing Sarah na merong soft spot sa mga kasabayan niya sa amateur singing days niya, tiyak na susuportahan niya si Klarisse sa text votes this weekend para ito ang unang itanghal na The Voice of the Philippines champion. Wanna bet?
( Photo credit to Google )