Unang SONA ni Pangulong BBM kasado na bukas; speech magiging ‘concise, clear and direct to the point’

Bongbong Marcos, Jr.

SIGURADONG ngayon pa lang ay abangers na ang buong sambayanang Filipino sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Sure na sure kami na mapa-Marcos o BBM loyalists o mapa-Kakampinks ay talagang tututok sa first SONA ng Pangulo na magaganap bukas ng hapon, July 25, sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.

Siyempre, hihintayin nila ang paglalahad ni Pangulong Bongbong sa mga magiging plano niya para sa Pilipinas at para sa milyun-milyong Pinoy sa susunod na anim na taon niyang panunungkulan bilang bagong presidente.

Ito rin ang kauna-unahang full face-to-face SONA na magaganap sa Batasan matapos ang SONA ng dating Pangulong si Rodrigo Duterte noong 2019 (bago magkaroon ng COVID-19 pandemic).

Ang magdidirek ng unang SONA ni BBM ay ang film producer at direktor na si Paul Soriano at ang kakanta ng National Anthem ay ang world-renowned Ilocos-based choir na Samiweng Singers.

Inaasahan ang pagsisimula ng SONA sa ganap na alas-4 ng hapon na susundan ng joint session ng House of Representatives at Senate sa plenary hall ng Batasang Pambansa.


Bukod sa pamilya at malalapit na kaibigan ni Pangulong Bongbong, kabilang din sa mga imbitado sa event ay ang mga dating pangulo ng bansa at mga foreign dignitaries.

Bago pa man maganap ang SONA at ang pagbubukas ng 19 Congress bukas, talagang tinapos at kinumpleto ng House of Representatives ang P100-million renovation ng Batasang Pambansa.

At bilang bahagi ng seguridad sa unang SONA ni BBM, bukod nga sa pagpapakalat ng libu-libong pulis at sundalo sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, mobile phone signal will be jammed a few hours before the president delivers his speech.

Magiging “no fly zone” din ang Batasang Pambansa Complex sa buong araw ng Lunes.

Lahat naman ng papasok sa venue ay kailangang mag-present ng negative antigen test result, habang ang mga papasok naman sa plenary hall ay hihingan ng negative reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test result.

Nauna rito, sinabi na ni Direk Paul Soriano na “simple and traditional” ang nais ni BBM para sa kanyang first SONA.

“I am grateful and honored for this rare opportunity. Anytime the President needs me, I will deliver and do my best,” pahayag ng mister ni Toni. “It will be simple and traditional and will focus on his message.”

Katuwang niya sa pagdidirek ng SONA ang kanyang long-time creative collaborator na si Odie Flores, na isang cinematographer.

Sabi pa ni Direk Paul, “The President is hands-on in the crafting of his speech which will be concise, clear and direct to the point.”

https://bandera.inquirer.net/319162/paul-soriano-napiling-direktor-ng-unang-sona-ni-bongbong-marcos-it-will-be-simple-and-traditional

https://bandera.inquirer.net/318709/kinopya-nga-ba-ng-magna-cum-laude-graduate-sa-camarines-sur-ang-valedictory-speech
https://bandera.inquirer.net/289427/si-hidilyn-diaz-at-ang-sona-ni-duterte

Read more...