Lolit Solis nakalabas na ng ospital matapos ma-confine ng 1 linggo; tinawagan ng anak nina Vic at Pauleen: ‘You want money?’

Lolit Solis, Vic Sotto, Pauleen Luna at Tali Sotto

NAKALABAS na ng ospital ang host at talent manager na si Manay Lolit Solis makalipas ang isang linggong pagkaka-confine dahil sa biglang pagkakasakit.

Ngayong araw, 11 a.m., pinayagan na ng kanyang mga doktor sa FEU-NRMF Medical Center sa Novaliches, Quezon City na umuwi at sa bahay na ipagpatuloy ang kanyang medication at pamamahinga.

Kung matatandaan, noong nakaraang Linggo, isinugod ang talent manager sa ospital matapos mapansin ng kanyang mga kasama sa bahay na hindi na siya makapagsalita.

Mas maayos na ngayon ang kundisyon ng talent manager kumpara nitong mga nagdaang araw at nakakapagbiro na rin siya habang nakikipa-usap sa mga nangungumusta sa kanya.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Manay Lolit kaninang umaga para ipaabot ang kanyang pasasalamat sa lahat ng tumulong at nagdasal para sa mabilis niyang paggaling.

Nagbahagi siya ng isang quote card patungkol sa mga kaibigang nagiging bahagi na ng ating pamilya na may caption na, “We are so lucky Salve and Gorgy. Can you imagine our circle of friends na talagang on call pag kailangan natin ang tulong nila.

“Iyon talagang solid ang pagmamahal sa atin kaya naman we feel confident na we can get through all the hardship at salamat sa kanila dahil sa panahon ngayon talagang kailangan natin ang matatag na samahan.

“Bongga din Salve at Gorgy na talagang in times na kailangan natin ang kasama, nandiyan lang sila,” mensahe ni Manay Lolit.

Nauna rito, ibinahagi rin niya sa kanyang IG followers kung paano siya pinasaya ng anak nina Pauleen Luna (talent ni Manay Lolit) at Vic Sotto habang nakaratay siya sa ospital.

“Tawa ako ng tumawag si Tali, anak ni Vic Sotto at Pauleen Luna sa phone. Nasa dialysis room ako at medyo low ang energy pero napasaya ako ng call ni Talitha.

“Lalo na ng itanong niya kung ‘you need kiss, you want money?’ hah hah hah. Parang alam niya na harbatera ang Lola Lolit niya kaya nagtanong siya ng ganuon.


“Saka touch naman ako dahil kay Vic Sotto na nagparamdam din ng concern. Parang anak ko talaga sila Pauleen dahil sa tiwala na binigay ni mommy Chat nuon busy pa si Pauleen sa showbiz.

“Kaya siguro parang isang tunay na ina na very happy ako makita na maligaya at tahimik ang buhay ni Pauleen sa piling ni Vic Sotto. Iyon inner happiness, iyon peaceful nilang buhay, patunay talaga na basta ang anak sumusunod sa magulang mapapabuti ang buhay mo. Si Pauleen Luna Sotto ang patunay nito. Bongga!” sabi pa ng TV host.

Bukod kina Bossing at Pauleen at sa pamilya ni Sen. Bong Revilla, isa pa sa nga nabanggit ni Manay Lolit na nakaalala sa kanya habang naka-confine ay ang aktres na si Gretchen Barretto na nag-effort talaga para kumustahin siya.

“Nabasa ni Rusky na bff ni Gretchen Barretto na nasa hospital ako. Call at sabi daw ni Gretchen kumustahin niya ako kung ano ang kalagayan. Bongga ang Gretchen dahil sa gitna ng mga skeds niya nasingit niya pa ang pag check kung ano ang nabasa niya sa IG, at sosyal ni Rusky dahil call siya agad, bongga.

“Pero sa tutoo lang Salve at Gorgy, talagang humbling experience iyan pagkaka sakit. Parang lahat ilusyon mo na super duper ok ka, lost bigla. Iyon iniisip mo na kaya mo lahat, bigla nawawala. Isa ka lang palang mahinang nilalang na sumusuko din sa katawan mo dahil hindi mo kaya.

“Lalo na pag panay ang injection sa iyo ng kung anuanong gamot, parang nakasalalay na ang buhay mo sa kung ano ilagay sa katawan mo. How can you escape this feeling of hopelessnes, talagang realization ang lahat. Thanks Rusky and Gretchen for checking, appreciate much,” pahayag pa ni Manay Lolit na pinayuhan ng mga doktor na mag-complete rest at iwasan muna ang stress at mabibigay na trabaho.

https://bandera.inquirer.net/316742/lolit-solis-binanatan-si-bea-alonzo-sinabing-feeling-super-mega-star-of-all-seasons

https://bandera.inquirer.net/309989/ogie-diaz-nag-react-sa-isyu-nina-lolit-at-bea-sa-edad-niyang-yun-nai-scratch-pa-yung-pangalan-niya

https://bandera.inquirer.net/291525/yorme-certified-covid-survivor-nakalabas-na-ng-ospital-pero

 

Read more...