IBINIGAY ng Panginoong Diyos sa asawa ni Anthony Taberna na si Rossel Velasco-Taberna ang kanyang “ultimate birthday wish” ngayong taon.
Abot-langit ang pasasalamat ni Rossel dahil sa wakas, dininig na nga ng Diyos ang kanyang hiling at palaging ipinagdarasal — ang gumaling na ang panganay nilang si Zoey at mawala na ang cancer nito.
Ipinagdiwang ng misis ni Ka Tunying ang kanyang kaarawan nitong nagdaang Huwebes, July 21, at sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi nga nitong natupad na ang kanyang “ultimate birthday wish”.
“God has already granted my ultimate birthday wish in advance. I already gave all my wishes for my entire life to my daughter, Zoey. For her healing,” simulang mensahe ni Rossel na sumali noon reality artista search ng GMA na “StarStruck.”
“As you all know, my family and I were gone for half a year, and I’m so happy now that we’re home. God really came through.
“Anything that I receive beyond this miracle are all bonuses already. WE ARE COMPLETE. What more can I ask for?
“With this, to say that the past year has been crazy is an understatement. Nevertheless, I’m filled with gratitude because every day, there’s always something to look forward to or get excited about,” sabi pa ng misis ni Ka Tunying.
“Now that I’m turning 30+, I just can’t wait to see what the good Lord has in store for all of us,” aniya pa.
Samantala, binati rin ng veteran broadcast journalist ang kanyang asawa noong kaarawan nito at sinabing itinuturing niya itong lucky charm mula nang maging magkarelasyon sila.
“Happy happy 30+ birthday Beb. Alam kong ibinigay na ng Ama ang regalong hiningi mo — ang paggaling ni Zoey sa kaniyang karamdaman.
“Dalangin ko sa Ama, huwag ka nang magkakasakit, laging happy kahit madaming responsibilidad, maligayang makatupad ng tungkulin at manatiling mapagpakumbaba kahit ano pa ang mangyari.
“Alabyu Beb.Suwerte ko sa’yo, suwerte ka rin sa akin! (humabol pa talaga),” pagbati pa ni Ka Tunying kay Rossel.
https://bandera.inquirer.net/308801/ka-tunying-muling-ibinandera-ang-tapang-ng-anak-sa-paglaban-sa-leukemia-zoey-bilib-kami-sa-yo
https://bandera.inquirer.net/317607/anak-ni-ka-tunying-na-si-zoey-taberna-cancer-free-na-i-thought-it-was-the-end-for-me-that-my-life-would-end-at-13
https://bandera.inquirer.net/317699/ka-tunying-sa-paggaling-ni-zoey-sa-panginoong-diyos-kami-nagtiwala-gumawa-siya-ng-himala