TULAD nina Pokwang at Rabiya Mateo, may “pinagdaraanan” din ang kanilang co-host sa bagong programa ng GMA 7, ang morning show na “TikToClock”.
Alam naman ng lahat na hiwalay na si Pokey sa kanyang longtime partner na si Lee O’Brian habang kaka-break lang din ni Rabiya sa Kapuso actor na si Jeric Gonzales.
Ayon sa dalawang hosts ng “TikToClock”, okay na raw sila ngayon matapos masawi sa pag-ibig at never naman daw nilang dinadala sa trabaho ang kanilang personal na mga problema.
Kaya naman sa nakaraang virtual presscon ng bago nilang programa sa GMA 7, natanong din si Kuya Kim kung may pinagdaraanan din ba siya ngayon sa kanyang personal life tulad nina Rabiya at Pokwang.
Ayon sa TV host at Trivia King, isa sa dahilan ng kanyang kalungkutan ngayon ay ang mga anak nila ng asawang si Felicia Hung Atienza na nasa ibang bansa ngayon.
“Ang cause kasi ng dull moment ko, kapag naaalala ko ang mga anak ko na nasa America.
“Kasi malapit na kaming mag-empty nest ng misis ko. May isa na lang kami, yung dalawa, nando’n na. Nami-miss ko sila,” kuwento ni Kuya Kim.
Sabi ng Kapuso TV host, ang nag-iisa nilang anak na lalaki na si Jose ay nag-aaral sa Tufts University sa Boston, Massachusetts habang ang ikalawang anak na si Eliana ay freshman sa University of Pennsylvania.
Sa katunayan, malungkot na malungkot si Kuya Kim nang na-miss niya ang graduation ng anak noong May, 2022 dahil tinamaan siya ng COVID-19.
“Parents are like bows and you are like an arrow. Our job is to shoot you far and straight and high…..far away from us. It is sad but that’s what parents are designed to do,” ang mensahe ni Kuya Kim sa pagtatapos ng anak.
Nasa high school na rin ang bunso ng Kapuso host na si Emmanuelle.
Sabi ni Kuya Kim, napakalaking bagay na busy siya sa pagtatrabaho kaya todo ang pasasalamat niya sa GMA dahil sunud-sunod ang projects niya sa network.
Bukod sa “TikToClock”, may segment din siya sa “24 Oras” ng GMA 7 at main host din siya ng “Dapat Alam Mo!” sa GTV.
Sey pa ni Kuya Kim, “Kapag nami-miss ko sila, alam mo, God talaga gives the perfect timing.
“Nilagay ako ni Lord sa GMA in His perfect time. At binigyan ako ng mga shows in His perfect time. Kasi kung hindi ako busy, maaalala ko ang mga anak ko,” aniya pa.
Natatawa ngunit emosyonal na sabi pa ni Kuya Kim, “Iiyak ako rito.”
Mapapanood na ang “TikToClock” simula sa July 25, Lunes hanggang Biyernes, bago mag-“Eat Bulaga” sa direksyon ni Louie Ignacio.
https://bandera.inquirer.net/281350/pokwang-sa-lahat-ng-magulang-na-lumalaban-para-sa-pamilya-wag-tayong-susuko
https://bandera.inquirer.net/318637/pokwang-naka-move-on-na-sa-natapos-na-relasyon-7-months-ago-pa-yang-nangyari-sa-akin-ok-na-ako
https://bandera.inquirer.net/302226/pelikula-ni-kilalang-aktor-na-delay-ang-pagpapalabas-wasak-daw-ang-puso-dahil-sa-babae