Darryl Yap kay Joel Lamangan: Sino ba ako kumpara sa kanya?

Darryl Yap kay Joel Lamangan: Sino ba ako kumpara sa kanya?

SUPORTADO daw ni Darryl Yap ang plano ng batikang direktor na si Joel Lamangan sa paggawa nito ng pelikula kontra sa “Maid in Malacañang”.

Sa Facebook page ng VinCentiments ay naglabas ng reaksyon ang direktor sa mga sinabi ni Direk Joel sa naganap na campaign launch para sa “Never Again, Never Forget” bilang paggunita sa ika-50th anniversary ng Martial Law.

“Sino ba naman si Direk Darryl kumpara kay Direk Joel Lamangan, all support po kami sa gagawin nyong pelikula!” saad sa post ng VinCentiments.

Bukod pa rito, sinabi rin ng “Maid in Malacañang” direktor na malaki raw ang kanyang respeto sa batikang direktor.

 

 

“Malaki ang respeto ko kay Direk Joel, maaaring magkaiba kami ng perspektibo tungkol sa mga bagay-bagay pero nasa iisang industriya kami— kung gagantihan ko rin ng pagmamataas ang mga sinabi niya, magmumukhang nakikipag-away ako sa isa sa mga haligi ng industriya,” saad ni Darryl.

Ngunit sa kabila ng kanyang mataas na respeto ay sinabi niya na dapat daw paalalahanan si Direk Joel.

“Pero mainam rin na paalalahanan siya na, hindi lang siya ang anak ng Diyos at ng Bayan, hindi lang siya ang may kwento at hindi lang ang mga kwento nya ang may kwenta,” chika pa ni Darryl.

Nilinaw rin niya na hindi naman daw pera ng taumbayan ang ginamit sa pag-produce ng pelikula dahil Viva raw ang nag-produce nito.

Pagpapatuloy niya, “Sinabi pa niya na ang ginamit na pagpoproduce ng pelikula ay pera ng taumbayan, VIVA ang nagproduce nito— kung saan dun din sya gumawa at patuloy na gumagawa ng pelikula.”

Aniya, kung tunay raw ang paghihimagsik ng batikang direktor, yayain daw nito ang mga nagsasabing “katarant*duhan” ang kanyang pelikula.

“Bilang isa sa mga mataas na Direktor, yayain nya ang mga nagsasabing “katarantaduhan” ang pelikula ko at wag silang magtrabaho sa Viva— kasi baka pera ng taumbayan yan, nakakahiya naman sa mga prinsipyo nila. yan eh, kung talagang yan ang ipinaglalaban at paninindigan niya yung mga sinabi niya kanina,” hamon pa ni Darryl.

Aniya, sa kabila ng mga sinabi ni Direk Joel laban sa kanya ay hindi siya magsasalita at hindi ito makakarinig ng pangmamaliit mula sa kanya.

Hirit pa ng “Maid in Malacañang” director, “Sino ba ako kumpara sa kanya— sana maalala niya na Joel Lamangan na siya,hindi siya dapat nababahala sa isang Darryl Yap lang.”

Related Chika:
Joel Lamangan balak gumawa ng pelikula kontra ‘Maid in Malacañang’: Hindi totoo ang lahat ng ito

Darryl Yap boldyak sa netizens dahil sa eksena sa ‘Maid in Malacañang’: Gumamit pa talaga ng sulo… May aswang ba diyan?

Read more...