Juday, Angel, Iza ka-join sa wedding entourage nina Hidilyn Diaz at Julius Naranjo: ‘These are our life pegs’

Julius Naranjo, Hidilyn Diaz, Neil Arce, Angel Locsin, Judy Ann Santos at Iza Calzado

MAKAKASAMA ang mga Kapamilya stars na sina Judy Ann Santos, Angel Locsin at Iza Calzado sa bonggang entourage ng inaabangang wedding nina Hidilyn Diaz at Julius Naranjo.

Kinumpirma mismo ng kauna-unahan at nag-iisang Olympic gold medalist ng bansa na magiging bahagi ang tatlong female celebrities ng kanyang kasal.

“We want the people present in our wedding to be those who will serve as our inspirations as we go through our marriage.

“These are our life pegs, people we hope to be able to consult if ever Julius and I encounter problems as a married couple,” pahayag ni Hidilyn sa panayam ng “Level Up Exclusives” hosted by her talent manager Noel Ferrer.


In fairness, inspirasyon talaga ng marami ang pagsasama nina Juday at Ryan Agoncillo na 13 years na ngayong mag-asawa habang nagsisimula pa lang sa kanilang married life sina Angel at Neil Arce at more than three years nang kasal si Iza sa kanyang tech entrepreneur husband na si Ben Wintle.

Magaganap ang wedding nina Hidilyn at Julius sa Philippine Military Academy sa Baguio, eksaktong dalawang taon matapos siyang manalo sa Tokyo Olympics.

“Mag-iisang taon na pala ang pagpapanalo natin ng Gold medal sa Olympics, at ngayon July 26, 2022 magpapakasal na kame ni Julius Irvin Hikaru T. Naranjo,” aniya sa isang Instagram post.

Hindi rin daw naging madali para sa kanila ni Julius ang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan dahil na rin sa mga pagsubok na pinagdaanan nila.

“Di naging madali ang pinagdaanan namin bilang magkasintahan, maraming naghusga, maraming nagduda, ang daming iyak, at ang daming sakripisyo pero nanaig ang pagmamahal sa isa’t isa, pagmamahal sa ginagawa, pagmamahal sa bansa, at pagmamahal sa Diyos,” pag-amin ni Hidilyn.

https://bandera.inquirer.net/295562/hidilyn-diaz-julius-naranjo-engaged-na

https://bandera.inquirer.net/318913/hidilyn-diaz-magpapakasal-kay-julius-naranjo-sa-mismong-petsa-nang-manalo-siya-ng-gold-medal-sa-2020-tokyo-olympics

https://bandera.inquirer.net/309549/julia-sa-mga-biktima-ng-pambu-bully-stand-up-for-youtself-at-ipagdasal-nyo-sila

Read more...