Kakai: Hindi lahat ng babae pangarap magka-boyfriend, at hindi lahat ng babae gustong mag-asawa at magkaanak!

Kakai Bautista

MAHABA ang aria ni Kakai Bautista sa kanyang official Facebook tungkol sa hindi pagkakaroon ng boyfriend ng isang babae.

Very defensive ang aria ng komedyana at talagang she savored the bits of her defense. It was as if she is being attacked and ridiculed.

“Hindi lahat ng babae pangarap magkaroon ng Boyfriend. Hindi lahat ng Babae gustong MAG-ASAWA at MAGKA-ANAK.

“AKO YUN. Wag nyo akong itulad sa inyo. Magkakaiba tayo ng GUSTO AT PANGARAP sa buhay. Wag nyo akong idamay.

“Pare-Parehas lang natin gustong maging masaya sa buhay. DUn lang tayo parehas.

“Kaya Kung TALAGANG masaya kana sa buhay mo – may jowa, asawa at anak, MAGING MASAYA KANA. Deserve mo Kaya Wag mo akong PAKIALAMAN. AT kung di ka masaya, di ko kasalanan.

“Masyado na akong maraming pinagdaanan bago ko narating ang KASIYAHAN na ito.

“Hindi ko pa kayang PakaWALAN yung Happiness being ALONE. Kung pipihit ang plano ni Lord para sa akin, SYA ANG MASUSUNOD.

“Pero alam nya, na MASAYA pa ako mag-isa at hinahayaan nya ako.

“Sana MASAYA KA LANG PARA SA AKIN

“Dahil ang tunay na MASAYA, hindi INGGITERA.”

‘Yan ang kanyang aria na marami ang nag-react.

Hindi namin alam kung para kanino ang hugot na iyon ni Kakai but it was obvious that she was pissed off by someone.

Marami ang nag-agree kay Kakai.

“Inormalize naten yung ganitong mindset,talagang may mga tao na masaya sila na magisa o walang partner,masaya na walang anak. Umay sa iba pag nakita ka kelan ka magaanak kelan mo susundan anak mo.Akala mo may ambag sa pagpapalaki e.”


“True Kakai hindi lahat na my binubuo pamilya masaya anhin mo my matawag na asawa kong problema lang dulot nila…wag na! I prefer to be alone the rest of my life kaysa mag asawa ulit. walang kapantay sa freedom na meron ako now at peace pa isipan ko at tahimik buhay ko.”

“Tama. Magkakaiba Tayo ng source of happiness.Aside sa family and friends ko Ang Pagiging fangirl. Ang kasiyahan ko. Mahalima ang happiness ko.”

To us, that was Kakai’s defense kasi wala siyang boyfriend and she is not being courted by anyone. Had she been courted, she would  not have posted that message.

https://bandera.inquirer.net/281875/walang-pera-pera-ngayon-walang-fame-walang-everything-we-are-powerless

https://bandera.inquirer.net/307357/payo-kay-kakai-ipagawa-mo-ang-ipin-mo-may-potential-kang-maging-sikat-na-singer

https://bandera.inquirer.net/286700/basher-ni-sanya-sunog-kay-kakai-kung-ayaw-nyo-sa-kanya-idulog-nyo-yan-sa-barangay

Read more...