KNOWS n’yo ba na bago pa makilala bilang magaling na character actress si Ina Feleo ay humahataw na siya sa larangan ng figure skating?
Yes, yan ang first love at unang passion ng Kapuso star. Sa katunayan, ang mga ice skating rinks ang naging second home niya noong kanyang kabataan.
Talagang kinakarir niya ang pagte-training noon ng figure skating dahil ang kanyang ultimate dream nga ay ang maging Olympic figure skater para mabigyan ng karangalan ang Pilipinas.
“Nag-start ako nine years old, ‘yung pinsan ko galing Cebu may competition sila dito sa Manila so sumama ‘ko ng rehearsal and then sabi nila, ‘gusto mo i-try?’
“So ako naman, sige, and then I stepped on the ice, two hours walang tigil, ‘di ako lumalabas ng yelo and the rest was history. Parang sobrang naadik talaga ako and got so into it. Ang dream ko talaga noon maging Olympic champion,” ang kuwento ni Ina sa panayam ng GMA Network.
Suportado naman daw ang “Raising Mamay” actress ng kanyang pamilya. In fact, isa sa mga nag-train sa kanya noon ay ang Japanese figure skating champion and technical specialist na si Shin Amano.
Pero maraming naging hadlang sa pag-abot sa kanyang pangarap na maging Olympian lalo pa’t noon lamang 1992 nang magkaroon ng ice skating rink sa Pilipinas na bukas sa publiko.
“Siyempre marami ring pumigil, maraming aspects kung bakit mahirap na mahirap pa siyang ma-achieve lalo na before wala tayong Olympic size rinks, napakamahal na sport no’ng figure skating. Siyempre, ‘yung coaches natin hindi pa trained. Basta maraming ganoon.
“Mga twice I went to the States to train. Talagang lahat ng pera nina Daddy (yumaong aktor na si Johnny Delgado) parang binuhos para magkapag-train ako but then, at some point, this was ‘yung magka-college na ‘ko.
“Parang na-feel ko rin na ‘di ko maa-achieve ‘yung maging Olympic champion realistically kasi I was 16. ‘Pag 16 ka na dapat, at that point, competing ka na in Olympic level na which I wasn’t yet, ganyan,” paliwanag ng aktres.
Patuloy pa niya, “Kumbaga, ginive up ko siya, ‘yun naman ‘yung pinagsisihan ko kung bakit ko ginive up completely. Tumigil talaga ‘ko, hindi talaga ‘ko nag-skate, ngayon lang talaga ‘ko bumalik so that’s how it ended.”
Pagpapatuloy pa ng anak ni Laurice Guillen, “Pero ang dami kong natutunan, kumbaga, feeling ko ang laking parte kung sino ako ngayon dahil naging athlete ako before. ‘Yung disiplina sa lahat, mental discipline, ganyan ang dami kong natutunan sa skating.”
At makalipas nga ang dalawang dekada, bumalik sa ice skating rink si Ina, “Ngayon, I’m doing it for fun.”
https://bandera.inquirer.net/310383/ashley-ortega-payag-uling-lumaban-sa-ice-skating-competition-pero
https://bandera.inquirer.net/307539/derrick-monasterio-mas-handa-nang-sumabak-sa-matitinding-role-dahil-sa-pa-workshop-ni-ana-feleo
https://bandera.inquirer.net/289574/margielyn-didal-binansagang-legend-sa-tokyo-2020-olympics