Life hugot ni Maxene Magalona: Today and everday, I choose me, I please me, I please God!

Maxene Magalona

DALAWANG buwan na ngayong namamalagi ang Kapamilya actress na si Maxene Magalona sa Thailand kung saan muli siyang nag-recharge ng kanyang powers at energy.

Kahit ilang beses na siyang nakapagbakasyon sa nasabing bansa, marami pa rin siyang realizations sa kanyang personal na buhay habang naroon.

Sa kanyang Instagram account, nag-share si Maxene ng ilang litrato na kuha sa Bali, Thailand kalakip ang mahabang mensahe hinggil sa mga bagay na mas nagpatibay sa kanyang pananampalataya at paniniwala sa sariling kakayahan.

“Today, my heart feels very happy and hopeful. After spending almost 2 months here in Bali, I have a clearer understanding of how my happiness is in my own hands.


“I realized that I can never rely on others to make me happy because if I do, then my happiness becomes conditional and dependent on external factors,” simulang pagbabahagi ng aktres sa kanyang IG followers.

“But if I find unconditional happiness within my own heart and soul, no one and nothing will be able to take it away from me.

“Ever since I started tuning in to my heart, asking it what it needs and giving it exactly that, my life has become more joyful and peaceful,” dugtong pa ng anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

Sey pa ni Maxene, “I have honestly never been happier. I used to feel so guilty whenever I do something to make me happy.

“Now, I wholeheartedly put myself first and make sure that all my needs—physical, mental, emotional and spiritual—are always met.

“Today and everday, I choose me. I please me. I please God,” sabi pa niya.

Sa huling bahagi ng kanyang IG post, nabanggit din ng aktres na alam na alam na niya ngayon kung ano ang gagawin sakaling biglang lumapit sa kanya uli ang mga tukso para bumalik sa mga dati niyang gawi.

“And if you think I’m ever going back to my old ways of betraying myself just to be able to please others and make myself small just to make them feel comfortable—think again. I know better now. Watch me,” mariing pahayag ni Maxene Magalona.

https://bandera.inquirer.net/284069/maxene-sa-paglaban-sa-mental-health-problem-its-ok-not-to-be-ok

https://bandera.inquirer.net/303974/maxene-nag-explain-kung-bakit-kahit-anong-dasal-ng-tao-ay-hindi-nakakatanggap-ng-gods-blessing
https://bandera.inquirer.net/308918/maxene-tuwang-tuwa-nang-makapasok-uli-ng-sinehan-nagbigay-ng-8-benefits-ng-pagtakbo

Read more...