Alex Diaz takot pang makipagrelasyon: I really have bad trust issues!

Alex Diaz takot pang makipagrelasyon: I really have bad trust issues!

KUNG sa sinehan ipalalabas ang sex-comedy film na “PaThirsty” ay sure kaming wala namang kakatayin sa mga eksena dahil napakaingat naman ng pagkakadirek ni Ivan Andrew Payawal.

Feeling nga namin puwede rin itong panoorin ng mga high school students para mas lalo pa nilang maunawaan ang mga ibig sabihin ng mga termino sa LGBTQIA+.

Sa ngayon kasi ang dami nang terminong ginagamit tungkol sa pakikipagrelasyon sa parehong gender, o puwede sa lalaki at puwede rin sa babae.

Noong kapanahunan kasi namin ay apat lang naman yan — lalaki, babae, bakla at tomboy at dumagdag din sa kaalaman namin ang ACDC, isang taong puwedeng makipagrelasyon sa babae at lalaki.

Anyway, nagustuhan namin ang pelikula nina Alex Diaz, Bob Jibeili, Kate Alejandirno, Adrianna So, Chad Kinis at Kych Minemoto kasama si Rey “PJ” Abellana, produced by IdeaFirst Company and Viva Films na napapanood na ngayon sa Vivamax dahil naipakita rito ang pagkakaiba ng kani-kanilang karakter.

Si Alex ang perfect sa cast base sa kuwento ni direk Ivan dahil nga sa pag-out nito sa tunay niyang gender. Oo nga, saktung-sakto dahil siya ang pinag-aagawan ng magkaibigang Adrianna at Kych dahil magaling sa sex.

Anyway, hindi maitatangging guwapo si Alex, maganda ang katawan, maganda ang tindig, matalino at multi-talented at for sure maraming may gusto sa kanya, pa-thirsty kasi siya ika nga

Nang magdesisyon si Alex na mag-out ay tanggap na niyang wala na siyang karera sa Pilipinas at itinaon niya ang revelation niya na wala na siya sa bansa at bumalik ng Canada para magtrabaho sa isang pizza parlor.

Sobrang nakahinga nang maluwag si Alex nang ilabas niya sa publiko kung ano ang tunay niyang nararamdaman sa loob ng 25 years of existence kasi nga hindi ito alam ng pamilya niya.

“Alam ko tapos na ‘yung career ko but sobrang nakahinga ako, like 25 years I was holding my breath.  Ganito pala mabuhay (wala nang itinatago). Nothing different, it’s still me. Nothing changed that much,” paliwanag ni Alex.

Kaarawan ni Alex sa Huwebes, July 21 at tatlong taon na siyang masaya at maluwag ang dibdib, “I’m just happy and I’m still trying to explore it and still dating.”
Pero wala pang planong makipag-commit ang aktor, “I’m so scared of commitment, I really have bad trust issues.”

Open siya sa dating at okay siya kung gusto siya at gusto niya pero kung seryosohan na ay wala pa ito sa plano niya.

Related Chika:
Ariella Arida never lolokohin ang dyowa: Natatakot po ako sa karma, sa panandaliang saya lang…

Alex Diaz bibida sa international LGBTQIA+ musical movie ‘Glitter & Doom’

Alex Diaz game na game sa love scenes: It’s not gonna work if you’re not completely invested

Read more...