Hirit ni RR Enriquez, hindi dapat ipangalan kay Marcos ang NAIA: It will only divide us!

Hirit ni RR Enriquez, hindi dapat ipangalan kay Marcos ang NAIA: It will only divide us!

SA kabila ng pagiging maka-Marcos ng TV personality na si RR Enriquez, naniniwala siyang hindi dapat ipangalan kay Ferdinand Marcos Sr. ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Naglabas siya ng kanyang reaksyon matapos mag-trending ang bardagulan nina Janine Berdin at DJ Loonyo dahil sa ginawa ng singer na cover photo ang meme kung saan pinalitan ang pangalan ng NAIA at isinunod sa pangalan ni DJ Loonyo.

Saad ni RR, para daw wala nang pag-awayan ay sa kanya na lamang daw isunod ang pangalan ng paliparan na dating tinatawag bilang Manila International Airport.

“On a serious note I am a Pro-Marcos alam n’yo ‘yan, isa ako sa mga tagapagtanggol at nakikipagbardagulan kapag may mga haters sila obviously.

“But in my own honest opinion since we want to portray the image of unity maybe let’s not put the name Marcos International Aiport coz it will only divide us,” sey ni RR.

Aniya, madami pa rin daw kasi ang hindi sasang-ayon at marami na rin daw ang may ayaw ng pangalang Ninoy Aquino International airport kaya naman tanggapin na lang daw ito.

“Kaya nga my suggestion is RR ENRIQUEZ INTERNATIONAL AIRPORT,” hirit niyang muli.

Matatandaang naging mainit na usapin sa social media ang inihaing panukala ng Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na palitan ang pangalan ng NAIA at isunod ito kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Marami ang mga tumutol sa ideyang ito gaya nina Ogie Diaz dahil marami rin ang naniniwala na mas marami pang problema ang bansa gayang ng lumalaking unemployment rate, lumulobong inflation, at muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 na dapat mas bigyan ng pansin.

Related Chika:
RR Enriquez bumilib kay Baron: Ang galing ni God sa buhay mo!

RR Enriquez sa bashers: Pakialam ko sa inyo! Basta masaya ako sa ginagawa ko!

RR Enriquez ‘nakisawsaw’ sa isyu nina Paolo at Yen: Don’t us

Read more...