Robin gustong magkaroon ng Filipino version ang government records: Masyado tayong Inglisero, masyado tayong Amboy

Robin Padilla

DAPAT lang na makapagbigay o makapag-issue ang mga tanggapan ng gobyerno ng Filipino translation ng lahat ng records kung hihingin ng isang nangangailangan nito.

Yan ang isa sa mga nais ipatupad na batas ni Sen. Robin Padilla sa lahat ng government offices sa buong Pilipinas para sa mga kababayan nating mas gustong magbasa ng Tagalog kesa sa English.

Ayon sa actor-public servant, hindi ito pangmamaliit o pangmemenos sa kakayahan ng bawat Pinoy sa pagsasalita o pagbabasa ng Ingles ngunit para na rin sa kapakanan ng sambayanang Filipino at sa equal treatment sa dalawang lengguwahe.

“Dapat mag-request. Halimbawa kapag nag-request ang tao gusto ko ng Filipino dapat meron tayo laging nakahanda.

“Huwag dapat matakot ang kababayan nating mag-request. Kasi siyempre minsan nasanay tayo, masyado tayong Inglisero, masyado tayong Amboy,” paliwanag ni Robin.

Naniniwala si Robin na mas maraming kababayan natin ang makakaintindi at makauunawa sa mga kinukuha at nire-request nilang dokumento mula sa pamahalaan.

Bukod dito, plano rin ni Robin na i-push ang paggamit ng regional language at dialect sa mga iniisyung legal documents ng lahat ng government agencies.

“Ang gusto natin halimbawa may batas na pumasa dapat ang Filipino, English Filipino, tapos sa regional, halimbawa Bisaya, Ilokano.

“Main lang, hindi lahat. Ang main na ginagamit, halimbawa Bisaya may Waray, Cebuano, Ilonggo,” pahayag ng senador.

Binanggit pa niya sa isang panayam ang Article 7 of the 1987 Constitution, kung saan nakasaad na ang English at Filipino ang dalawang official language na maaaring gamitin sa “communication and instruction.”

“Sa karanasan ko po, hindi nagagamit ang Filipino, laging English lang. Tulad sa batas natin, kapag lumalabas ang batas natin English.

“Sa korte kapag nasintensiyahan ang tao, English ang binabasa. Sa akin unfair yan,” diin pa ng numero unong senador sa senatorial race noong nakaraang May 9 elections.

Kamakailan, nag-file na si Robin ng Equal Use of Languages Act bilang isa sa top 10 priority bills na inihain niya sa 19th Congress.
https://bandera.inquirer.net/304958/robin-nag-promise-kay-aiko-pag-nakapasok-sa-senado-kung-wala-pa-tayong-nagawa-nakakahiya-puro-action-star-pa-kami
https://bandera.inquirer.net/317989/vice-gusto-ring-magkaroon-ng-sariling-anak-nangangarap-makapasok-sa-hollywood-suntok-sa-buwan-pero

https://bandera.inquirer.net/297468/janno-dismayado-sa-nakanselang-guesting-sa-its-showtime-masyado-namang-matindi-galit-nyo-sa-akin

 

Read more...