KAHIT milyonaryo at nagmamay-ari na ng ilang negosyo, talagang pinag-aaralan na rin ni Enchong Dee ang pagtitipid at tamang pagba-budget.
Aniya, sa hirap ng buhay ngayon at sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dulot ng inflation, kailangang maging wais na ang lahat sa paggastos.
At para kahit paano’y makatulong sa ating mga kababayan na hirap na hirap pagkasyahin ang kanilang kinikita nila kada buwan, nagbigay ng ilang budgeting tips ang Kapamilya actor-entrepreneur.
Sa kanyang social media accounts, sinabi ng aktor at “Pinoy Big Brother” host na mas natuto pa siya ngayong humawak ng pera at kung paano ito gagastusin sa wais at tamang paraan.
Ibinahagi ng binata sa Instagram ang mga pagkaing binili niya sa kanyang favorite market. Aniya, lahat ng inilista niyang kailangan sa bahay ay nabili niya at may natira pa sa budget niya kaya meron pa siyang dessert.
“I’m learning to budget myself better. I went to one of my favorite weekend market, nabili ko yung mga kailangan ko sa bahay at may kasama pang dessert. Lahat to sa halagang ₱625,” aniya sa caption.
Sabi pa ng aktor, malaki ang maitutulong sa mga kababayan natin ang pagse-share ng budgeting tips kahit sa pamamagitan lamang ng social media.
“Sharing your #budgetarian moves can help ease the inflation we’re all experiencing.
“Let me know how you guys spend your hard earned money pag dating sa grocery,” sey pa ni Enchong.
Nauna rito, naging hot topic din si Enchong kamakailan nang bumandera ang mga litrato niyang naka-underwear lang na kuha ng celebrity photographer na si BJ Pascual.
Ikinagulat ito ng kanyang fans at celebrity friends dahil first time nga niyang magpa-pictorial ng naka-briefs lang para sa isang underwear brand.
Para naman sa lahat ng fans na miss na miss nang mapanood si Enchong na umaarte, confirmed na ang pagsasamahan nilang romance-comedy-drama ni Alexa Ilacad na “Reset U/I”.
https://bandera.inquirer.net/312916/enchong-dee-nagpakita-ng-suporta-kay-leni-robredo-nakipag-reunion-sa-salazar-siblings
https://bandera.inquirer.net/280775/premyadong-senior-actor-may-budget-para-sa-indie-film-may-investor-kaya
https://bandera.inquirer.net/305560/ilang-celebs-manggagawang-pinoy-umalma-sa-pagod-len-len-video-hindi-tamang-tawaging-stupid-ang-nagtatrabaho-ng-18-oras