MUKHANG dedma lang ang pamilya ng veteran actor na si Pen Medina sa mga netizens na namba-bash sa kanila sa social media.
Kung may mga naawa at nakisimpatya sa kundisyon ngayon ng beteranong aktor, may ilang tao rin ang kumuwestiyon sa paghingi ng tulong pinansiyal ng kanyang mga anak sa ibang tao para sa pagpapagamot nito.
Ayon sa ilang nabasa naming komento sa socmed, bakit daw kailangan pang manghingi ng kanyang mga anak ng “ayuda” sa publiko gayung kumikita naman daw ang mga ito sa pag-aartista.
Ayon sa Facebook post ng mga anak ni Pen na sina Alex at Ping, naubos na ang savings ng aktor nitong nagdaang dalawang taon dahil sa pandemic dahil nga nawalan siya ng trabaho sa showbiz.
Kailangan daw nila ng tulong para sa gagawing spine surgery sa 71-year-old na aktor, “To his friends, relatives, and co-workers: Our dad, 71-year-old actor Pen Medina, has been in the hospital for three weeks now and currently cannot sit or stand up due to Degenerative Disc Disease (DDD). He is scheduled for a major spine surgery on Tuesday, July 19.”
“Due to the pandemic, our dad scarcely had any work, which siphoned his savings over the past two years. We are trying to help him as best as we can but it will be a long road to sufficient recovery for him.
“We humbly appeal for your charitable help and prayers as our family navigates through helping him get back on his feet – literally and figuratively. Maraming salamat,” mensahe ng mga anak ni Pen Medina.
Narito naman ang ilan sa mga nabasa naming comments mula sa official Facebook page ng BANDERA.
“Bakit walang ipon yan???ang tagal na niyang artista halos tuloy tuloy ang project nung araw yan.”
“Nung nakaraan anak nya nahingi pam bday. Get well soon.”
“Mag Artista na lang ako para makahingi din ng tulong.”
“Kapag nagbigay kayo, isama rin yong pam birthday ng anak niya!”
“Dba dilawan ka at kkampink e sa knila ka huminge tagal ng nag aartista jan ka na tumanda hindi mo pinaghandaan future mo.”
“Kusang loob po ang hinihinging tulong kung gustong tumulong magbigay na lang wala na pong maraming sinasabi hindi naman sila namimilit, salamat sa nakaunawa.”
“Kung wala kaying masabing maganda o wala kayong maitutulong, tumigil na kayo! Ang lulupit nyo! Hirap n nga yong tao sa sakit nya dinadadagdagan pa nyo!”
“My prayers for you to have successful operation Mr. Pen Medina…You are a great actor..someday you can go back to work and earn a living again..
Be strong in this time of need…God is with you and will take care of your needs.”
“Lessons from this…save while you can,anyway marami nmang kapwa artista nya na tutulong sa kanya…ipagpray natin for his recovery.”
“Buti pa cla pag may problima mkahinge ng tulong artista cya pati mga anak nya pero kmi mahirap d ganun ultimo mg bday anak nya c ping ba yun png bday lng nanawagan dati social media png gastos.”
Samantala, sa ulat ng “24 Oras Weekend,” kahapon, nagkuwento naman ang anak na babae ni Pen na si Kathleen tungkol sa kundisyon ng kanyang tatay.
Aniya, mukhang matatagalan pa bago siya makapagtrabaho uli pero, “Lagi niyang sinasabi is that he really wants to go back into painting, kasi ‘yun talaga ‘yung first love niya.”
“He’s been asking us to help him him mount an exhibit and he’s very talented,” dagdag ni Kathleen.
Three weeks na ang ama dahil sa Degenerative Disc Disease, “a condition which causes pain in the spine.”
“Apparently, he twisted his back (sa loob ng banyo), he hasn’t been able to get up from the couch ever since the night.
“Luma na talaga ‘yung buto niya, wala nang fluid, so the pain was coming from pagka nagtatamaan ‘yung discs niya sa spine.
“And then eventually we also saw there was a pinched nerve there and that’s why it was getting worse,” sabi pa ni Kathleen.
https://bandera.inquirer.net/291752/pen-medina-binanatan-matapos-sabihing-hindi-epektib-ang-face-mask-kontra-covid-19
https://bandera.inquirer.net/318824/pen-medina-sasailalim-sa-surgery-pamilya-humingi-ng-tulong-para-sa-pagpapagamot-ng-aktor
https://bandera.inquirer.net/318858/karl-medina-madalas-mapagkamalang-galit-nagpaka-sugar-daddy-sa-tahan