Zeinab Harake type maging dyowa sina Piolo, Jake, Alden at Zanjoe…Derek tropa-tropa lang: Parang babalibagin ako n’yan!

Zeinab Harake at Bea Alonzo

BAGAY mag-collab ang dalawang content creator na sina Bea Alonzo at Zeinab Harake dahil ang kulit-kulit nilang dalawa at tatawa lang talaga nang tatawa ang makakapanood sa kanila.

Pagkatapos i-guest ni Bea si Zeinab sa kanyang YouTube channel para sa legit lie detector challenge ay ang aktres naman ang nagpa-interview sa sikat na vlogger.

Sumabak sa “Jojowain o Totropahin” challenge si Zeinab na ang mga involved ay mga naging leading man ni Bea na ikinakilig niya nang husto.

“Tignan natin kung payag ba si Ate Bea ro’n (sa mga jojowain o totropahin) or hindi,” excited na sabi ni Zeinab.

Pero may matinding bilin si Bea, “Ang guguwapo ng mga leading man ko, e, hindi ka naman mahilig sa guwapo.” At nagkatawanan ang dalawa na talagang laugh trip na nilagyan pa ng video ng kambing na humihiyaw.

“Ita-try ko na nga ‘yung guwapo, di ba? Malay mo naman diyan sa mga ‘yan (sabay turo sa mga babanggitin ng aktres) mapansin ako, di ba?” sagot naman ng vlogger na may 12.8 million subscribers sa YT.

“Hoy, ang ganda-ganda mo girl, I’m sure lahat G na G sa ‘yo,” say naman ni Bea.

“Ito unang leading man ko ‘to, jojowain o totropahin, John Lloyd Cruz,” tanong ng aktres.

“Oh my God! Jojowain agad-agad!  Kung bibigyan lang po ako ng pagkakataon, jojowain,” say ni Zeinab.

Sabay sabi ni Bea na mabait si Idan (tawag niya sa aktor) at bagay sila dahil pareho silang may baby.

“Parang lahat jojowain ko kasi ang guguwapo ng leading man neto (turo kay Bea), lahat crush ko,” sabi ni Zeinab.

Totropahin ang sagot ng dalaga kay Derek Ramsay, “Parang babalibagin ako n’yan! Saka may asawa na.  Saka si Ellen (Adarna) kalog-kalog din, di ba? Feeling ko magkakasundo kami (Derek) sa bunganga.”

Kinilig muna si Bea bago niya ipakita kay Zeinab ang larawan ni Piolo Pascual. “Oh my God!” hiyaw ni Zeinab. Sabay pakita kay Bea ng phone niya na nag-TikTok siya at ni-like raw ni Papa P na nag-comment pa ng, “Arat na.”

Crush na crush din pala ni Bea ang aktor at inaming nakapila rin siya sa binata kaya pareho silang kinikilig ni Zeinab.

“Paano kung ligawan ka ni Papa P?” tanong ni Bea.

“Ahhh, jojowain ko ‘yan! Papa P ‘yan no! Wala nang ligaw-ligaw jowa na agad!” masayang sabi ng sikat na vlogger.

“Sige ipapaubaya ko na siya sa ‘yo, Papa P, sana mag-collab kayo ni Zeinab,” sabi ni Bea.

Jojowain din ni Zeinab si Richard Gomez, “Yan ‘yung mga lalaking hinahanap ko. Saka di ba gusto ko ngayon mga 35-40 (edad) para matured na. Wala na sa kulitang life.”

Jojowain din ang sagot nito kay Paulo Avelino, “Ayaw ko ng mestizo pero mukha kasi siyang bad boy.”

Sabay tanong ni Bea, “So lahat jojowain mo maliban kay Derek, ‘no?”

“Oo parang natakot ako kay sir Derek. Ha-hahaha!” tumawag sagot ni Zeinab.

Totropahin ang sabi ni Zeinab kay Enrique Gil, “Hindi talaga ako mahilig sa tisoy. Saka ‘yung mukhang may lahi. Sobrang guwapo parang ayaw kong tumabi.  Nakakatakot magjowa ng ganyang kaguwapo. Chaka nga nagloloko ganyan pa kaguwapo?”

Natawa naman to the max si Bea. Kasi nga naman hindi kaguwapuhan si Scusta Clee pero nakuha pa nitong mangaliwa.

Dagdag pa ng single mom, “Dapat mala-Liza Soberano ang ganda ko para hindi ako lokohin.”

Napa-“Oh my God” ulit si Zeinab nang ipakita ang larawan ni Jericho Rosales na pareho pala nilang crush ni Bea kaya jojowain ang sagot ng una.

Hindi naman niya type jowain si Vic Sotto, “Totropahin ko ‘yan, laugh trip si Bossing.”

Ipinagmamalaki ni Bea na sobrang guwapo ni Vic sa personal at mabait pa kaya hindi kataka-takang maraming nahuhumaling sa kanya.

Pareho uling napahiyaw ang dalawa nang ipakita ang larawan ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

“Si mayor, puwede, jojowain. Pogi kasi si mayor, shout out sa ‘yo mayor,” masayang sabi ni Zeinab.  Sabi naman ng aktres single pa rin ang anak ni bossing Vic.

“Ito naman, Zanjoe Marudo, jojowain o totropahin?” seryosong tanong ni Bea.

Natawa muna si Zeinab sabay sabing, “Huh! Ex (boyfriend) mo ‘yan, eh. Ha-hahaha!”

Natawa rin nang husto si Bea, “Single siya ngayon.”

“Kahit okay na kayo, totropahin pa rin, respect pa rin sa ‘yo,” sambit nito.

“Feeling ko match kayo,” saad ng aktres.

“Nino? Ate bigla mo pa akong nireto sa ex mo. Ha-hahaha!” tumawang sabi ni Zeinab.


Kulit pa rin ni Bea, “Kasi sobrang bait din ni Z, sobrang good catch. ‘Yung sa amin kasi wrong timing lang. Saka wala akong masasabing masama sa kanya. Gusto mo ba ireto na kita rito?”

“Hindi tropa pa rin. Mag-start tayo sa tropa, waaahhh!” hiyaw ni Zeinab.
At ibinuko ni Bea na, “Naku, ganyan din sinabi ko dati (tropa) tapos naging kami. Ha-hahaha!”

Si Aga Muhlach, “Sobrang guwapo ni sir Aga, ganyan ‘yung mga trip ko. napanood ko ‘yung movie n’yo.”

Ibinalik ni Bea ang larawan ni Zanjoe, “So hindi guwapo si Z?”

“Hindi, iba ‘yung pagkaguwapo ni sir Aga mula pagkabata, totropahin,” saad ni Zeinab.

Isa pang nirereto ni Bea ay si Jake Cuenca na nagkakilala na raw sa bahay niya at bineso ng aktor si Zeinab, “Sige na parehas kayong single,” sambit ni Bea.

“O, sige jojowain kasi ang bango niya. Shit pagkabeso sa akin, ang bango. Saka pareho kaming may tapyas (sabay turo sa left upper lip). Sabi niya, ‘nahulog ka rin sa hagdan?’ Sabi ko, ‘oo nahulog ako mali lang pinagbagsakan,” tumawang sabi ng dalaga.

“Sana nga mahulog na kayo pareho,” pangungulit pa ni Bea.

“Waaahh! Naku ate B, magdidikit na nga ako sa ‘yo baka eto na,” sabi ni Zeinab.

Nang banggitin si Sam Milby, “Totropahin ko, Inglisero ‘yan hindi ko kayang magjowa ng Inglisero talaga (sabi ni Bea nagta-Tagalog naman). Hindi rin mape-pressure ako sa kanya, totropahin sir Sam.”

Say pa ni Bea, “Lahat naman ng nakasama ko mababait lahat, especially this one (Sam).”

Si Robin Padilla ay tropa rin ang gusto ni Zeinab pati kay Daniel Padilla, “Fan ako ng KathNiel, eh.”

Ang tingin ni Zeinab kay John Estrada ay jojowain niya kahit hindi niya kilala ang personal life pero kapag umarte ay bad boy talaga.

“Mahilig ka talaga sa bad boy no?  Nasapak ka na ba?” tanong ng aktres sa kaibigan.

Hindi kaagad nakasagot si Zeinab, “Naka-experience na rin sa mga ex ko. Pero ngayon gusto kong magpabugbog sa ibang paraan, waahhhh.”

Jojowain naman ang tingin ni Zeinab kay Richard Gutierrez at ideal man ang tingin niya sabay bati, “Gi ate Sarah (Lahbati).”

Si Albert Martinez, “Totropahin ko ‘yan kasi maliit si Sir Albert, ang tangkad ko, eh.”

“Akala ko kung ano ‘yung maliit,” natawang sambit ni Bea, “Hindi naman natin alam ‘yun.”

“Nanonood kasi ako ng Kadenang Ginto, tapos si Ms. Beauty (Gonzalez) medyo ganito (muwestra) ‘yung height nila kaya sabi ko, ‘ay maliit si sir Albert.’

“Dalawang nota pa lang nakikita ko sa buong buhay ko, hayaan mo mag-e-explore ako titingin-tingin ako diyan,” tumatawang biro ni Zeinab habang hindi na halos makahinga si Bea sa katatawa.

Fan ng DongYan si Zeinab kaya tropa ang tingin niya kay Dingdong Dantes.

“Big deal sa akin ang height, eh,” hirit ni Zeinab nang ipakita ni Bea ang larawan ni Alden Richard na ipinagdiinang single pa ang aktor.

“Jojowain, I think jojowain.  Magkasing-height ba kami?”

At ang apat na pinakagustong maging jowa ni Zeinab according to ranking, “Sa apat po na single ang pang-apat po doon si Zanjoe if ever, pangalawa si Alden, then Jake. Top one ko talaga si Papa P.”

Sana raw magka-collab silang dalawa dahil may naisip na raw na content si Zeinab. At payag din ang dalaga na saktan siya ni Piolo.

“Oo girl, mamili ka naman (ng mananakit sa ‘yo),” birong sabi naman ni Bea.

Janine, Paulo sumabak sa ‘Totropahin o jojowain’ challenge; premiere night ng ‘Ngayon Kaya’ star-studded

Derek, Daniel, Hyun Bin, Gong Yoo ‘jojowain’ ni Ate Vi; Coco, John Lloyd, Piolo, Echo totropahin lang

Gerald Anderson ‘totropahin’ si Alexa Ilacad: Baby girl ‘yun!

Read more...