‘High On Sex’ nina Wilbert Ross, Angela Morena at Denise Esteban sa Vivamax maraming pasabog sa ending

Migs Almendras, Angela Morena, Denise Esteban at Wilbert Ross

INAABANGAN na sa Vivamax ang finale episode ng sex-comedy series na “High On Sex” na pinagbibidahan ng dating Hashtag member na si Wilbert Ross.

Talagang sinubaybayan ng mga Vivamax subscribers ang kuwento ng limang high school students sa isang Catholic school at ang mga nakakaloka at nakakatuwa nilang sexual escapades.

In fairness, bentang-benta sa manonood ang mga karakter sa serye nina Denise Esteban as Issa, Angela Morena as Mavic, Kat Dovey as Karla, Migs Almendras as Wes at Wilbert Ross bilang si Gibo.

Nagsimula ang “High On Sex” noong June 5 at sa darating na July 24, mapapanood na ang ang pasabog na ending ng hit Vivamax digital series.

Sa naganap na special presscon para sa finale ng online series, natanong ang cast members kung paano nila pinaghandaan at ginawang makatotohanan ang pag-portray sa kanilang mga karakter.

Si Kat Dovey ang sumagot, “Prior to the shoot, we had face to face worksops that made us understand our roles better and it also helped for us to get to know each other better so when we got to the actual set, wala na kaming ilangan and we just had fun.”


Sabi naman ni Denise Esteban, ibang-iba ito sa lahat ng mga sexy movies na ginawa niya in the past, “The ones I did before are serious dramas so this is a welcome break as it is a comedy.

“Very encouraging nga ang comments na natatanggap namin as viewers say they’re really laughing a lot and having fun while watching our show.

“Marami pa kayong dapat na abangan sa last few episodes, lalo na kung ano ang mangyayari sa love story namin ni Wilbert as Gibo. Don’t miss the last episodes kasi you’ll get to know the characters even better,” pahayag ni Denise.

Patuloy pa niya, “The show doesn’t just offer many sexy scenes but also insights about love and life and being young, so don’t miss the wonderful finale.

“I think it’s in this show ko nakita na may improvement naman ako sa acting compared to when I just started in ‘Doblado’, but I still have to do better with my Tagalog kasi mas at home pa rin ako in English,” dagdag pang pahayag ng sexy star.

Dugtong ni Denise, “I really enjoyed the shoot kahit nakakapagod kasi we shoot so many sequences in one day, but masaya ang naging bonding naming lahat, kasi i even celebrated my birthday on the set.

“It’s in this show that I think my acting has improved since I started in ‘Kaliwaan’.

“Marami akong natutuhan sa mga pinagdaanan kong ibang projects and I think nagawa ko ang best ko rito sa ‘High on Sex’ in my role as Issa na may gusto ko kay Gibo but he’s taking me for granted,” aniya pa.

Para naman kay Angela Morena, challenging din ang role niya sa “High On Sex” bilang si Mavic, “Yes, although noong una, natakot ako kasi mabigat ang pagdaraanan niya. But si Mavic, very kwela siya and energetic, so I’m glad sakin ibinigay sa akin ang role na ito.

“Now, I’m glad kasi positive ang comments ng viewers about my character. In the last few episodes, abangan nyo ang breakdown scene ni Mavic at ang pagpasok niya sa isang school org,” sabi pa niya.

“I’m proud of my acting kasi very natural lang. Tama nga yung sinabi nila na bagay sa akin ang sex-comedy.

“I will really miss my character kasi i enjoyed playing her. Abangan nyo, kasi mas exciting and kapanapanabik ang ipapakitang mangyayari sa iba’t iba pang characters sa show as it ends,” dagdag ni Angela.

https://bandera.inquirer.net/305893/hashtag-wilbert-ross-game-na-game-sa-sex-scenes-pero-hindi-pa-kayang-magpakita-ng-pototoy

https://bandera.inquirer.net/304272/wilbert-ross-aminadong-late-bloomer-sa-sex-19-years-old-ako-doon-ko-na-explore-ang-ganda-ng-mundo

https://bandera.inquirer.net/315062/wilbert-ross-sinabing-importante-ang-sex-education-lalo-na-medyo-mataas-ang-ating-teenage-pregnancy

Read more...