Josef Elizalde may isinakripisyo sa pagganap na pari, pinuri ang mga leading lady sa ‘Purificacion’: Lahat sila nakakaelya!

Cara Gonzales at Josef Elizalde

SIGURADONG magiging kontrobersyal at aani na naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa publiko at netizens ang bagong Vivamax original movie na “Purificacion.”

Ito’y pinagbibidahan nina Josef Elizalde at Cara Gonzales, kasama ang iba pang Vivamax bombshell na sina Ava Mendez, Rob Guinto, Kat Dovey, Stephanie Raz at Quinn Carillo.

Ayon kay Josef, kung grabeng challenge na ang hinarap sa launching film niyang “Doblado” kung saan gumanap siyang psychotic killer, mas matindi pang hamon ang ibinigay sa kanya sa “Purificacion.”

Dito, ginagampanan niya ang karakter ng batang pari na Fr. Ricardo Purificacion na maa-assign bilang parish priest sa isang lugar sa Santa Monica.

Hinahangaan dahil sa kanyang magandang pag-uugali at dedikasyon at pagmamahal sa lokal na simbahan, role model para sa marami si Fr. Ricardo. Pero sa likod ng maamo nitong mukha at mabuting pagkatao ay ang madilim niyang sikreto.

Sa pagdami ng mga report sa mga nawawalang kababaihan, magsisimulang mag-imbestiga si Police Inspector Gabriela Isidro (Cara Gonzales) at pilit na hahanapin kung sino ang may pakana ng lahat ng ito.


Hihingi pa ito ng tulong kay Fr. Ricardo, sa paniniwalang may magandang reputasyon ang pari at malaki ang maitutulong nito sa kaso. Mapapaikot ni Fr. Ricardo si Gabriela at ililigaw ang direksyon ng imbestigasyon, hindi rin mamamalayan ni Gabriela na unti-unti na palang nahuhulog ang loob niya sa pari.

Malulutas pa kaya ni Gabriela ang kaso at maibubunyag ang katotohanan? O patuloy na siyang mahuhulog sa mapanlinlang na pari? Yan ang dapat n’yong alamin.

“Fr. Purificacion is a very mysterious character and it was a great challenge for me to play him,” kuwento ng aktor sa virtual mediacon ng pelikula kamakailan.

“Nilagyan ko ng sariling nuances yung character. I watched some psychological thrillers to get a feel of how other actors interpret such nefarious characters with dark motivations,” aniya pa.

Natanong si Josef kung sinu-sino sa mga leading lady niya sa movie ang pinakaseksi at palaban sa maiinit at iskandalosang eksena sa pelikula.

“Lahat naman sila, very sexy at nakakaelya ang dating. At lahat sila, magaling. When I saw the trailer, I felt some goosebumps kasi ang gandang lumabas ng mga eksena namin, thanks to our director GB Sampedro who guided us all through it,” sabi ng binata.

Sabi ng aktor at dating “Pinoy Big Brother” housemate, may isang bagay daw siyang isinakripisyo para sa kanyang role sa movie.

“I realized mahirap talaga ang tungkulin ng mga pari. Siyempre, as priest, kailangan, clean cut ang hitsura ko.

“So I had to lose my long hair and I also shaved all my facial hair. Nakakapanibago nga, e,” chika ni Josef.

Mapapanood na ang “Purificacion” sa Vivamax simula sa August 5, sa direksyon ni GB Sampedro.

https://bandera.inquirer.net/312043/ex-pbb-teen-housemate-josef-elizalde-pinutakti-ng-indecent-proposal-matapos-maghubot-hubad-sa-pelikula

https://bandera.inquirer.net/308924/josef-elizalde-kinarir-ang-pagpapayat-bidang-bida-na-sa-pelikula-after-14-years

https://bandera.inquirer.net/300514/pari-nag-viral-matapos-maging-parte-ng-kasal-ng-dating-dyowa

Read more...