NAGBABALIK ang Dilaw, ang kapana-panabik na rock duo ng Warner Music Philippines, upang patunayan na nag-uumpisa pa lamang ang laban para sa puso at kaluluwa ng bansa.
Matapos nilang gumawa ng ingay dahil sa kanilang kakaiba at modernong protest music at socio-political lyricism, opisyal na nilang nilabas ang kanilang ikalawang single na pinamagatang “Kaloy.”
Tiyak na matutuwa at mai-inspire na naman ang mga tagahangga nina Dilaw Obero at Vie Dela Rosa sa bago nilang single dahil walang takot nitong ipinahahayag ang isa nanamang mahusay at nakaaaliw na pagpapakita sa mga pinagdadaanan ng mga Filipino.
“Sinasaad sa ‘Kaloy’ ang mga pinag-uusapan ng mga regular na tao at ang kanilang mga kontribusyon gaano man kalaki o kaliit sa lipunan,” ayon sa duo.
“Nais naming ipamahagi ang mensahe sa lahat na yakapin ang kabutihan, manindigan, at maniwala sa isa’t isa,” sabi pa ni Dilaw.
Nagmula ang Dilaw sa Baguio at nagsimula sila noong 2019 nang simulan ni Dilaw ang kanyang karera sa musika at kung saan din inambag ni Vie ang kanyang talent sa genre ng rock n’ roll.
Inilabas nila ang kanilang unang single sa ilalim ng Warner Music na pinamagatang “3019,” at pinuri ito ng mga tagahanga at ng mga kritiko dahil sa mensahe nito ukol sa hustisya at korapsyon.
Matapang din na inilabas ng Dilaw ang kanilang musika sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng mga live performances at isang music video na talaga namang ikinatuwa at sinuportahan ng lahat.
At handa na silang gawin ang lahat muli. Totoo ang sigaw ng Dilaw na madaming dahilan upang ipagpatuloy ang laban para sat ama at may kagandahang taglay ang isang musical revolution kaya naman dapat talagang tangkilikin ang kanilang mga awitin.
Mapapakinggan ang “Kaloy” sa lahat ng mga digital music at streaming platforms.
https://bandera.inquirer.net/309866/p-pop-group-1st-one-pumirma-na-ng-kontrata-sa-warner-music-may-alay-para-sa-mga-sundalong-pinoy
https://bandera.inquirer.net/281224/enchong-magbubukas-ng-sariling-music-school-we-are-opening-academy-of-rock-ph
https://bandera.inquirer.net/292267/gladys-humiwalay-ang-kaluluwa-nang-sampalin-ni-maricel-bianca-may-aaminin-sa-tbats