SIGURADONG maraming mabibigyan ng trabaho ang Advanced Media Broadcasting Systems o AMBS Channel 2 na pag-aari ng pamilya ni Manny Villar.
Tuloy na tuloy na ang operasyon ng AMBS 2, ang pinakabagong free TV network sa Pilipinas na ang frequency ay dating pag-aari ng ABS-CBN.
At isa nga sa unang programang mapapanood dito ay ang game show at public service program ni Willie Revillame, ang “Wowowin”.
Kamakalawa, July 15, humarap ang TV host sa ilang members ng entertainment media sa pamamagitan ng zoom para ibandera ang pagpirma niya ng kontrata sa AMBS 2.
Bukod dito, magiging miyembro rin si Willie ng executive committe na siyang naatasang bumuo ng mga programa para sa AMBS katuwang ang presidente ng TV network na si Beth Tolentino.
Unang nilinaw ng TV host-actor ang balita na nakikipag-negotiate na raw siya sa mga artista, talent manager at iba pang personalidad para maging bahagi ng AMBS 2.
Natanong kasi siya kung ano ang maging tatak o branding ng mga programang ipalalabas nila sa network. Ani Willie, wala pa silang napag-uusapan tungkol dito at binubuo pa lang nila ang mga plano para sa network.
“Sa ngayon, wala pa yun, e, kasi nga binubuo pa lang. Sabi ko nga, meron tayo, I would say, na gamit pero wala naman tayong paggagamitan.
“So kailangan natin ng makakasama at iko-conceptualize ang mga programa,” paliwanag ng TV host.
“Actually, I’ll be honest with you, sabi nga ni Ms. Beth, we are now open for hiring, of course, production staff, sa technical, we are now open.
“That’s why we are discussing this dahil nag-open kami ngayon ng live sa FB at YouTube. So, puwede nang mag-apply lahat kasi dati, puro salita,” aniya.
“Saka gusto naming i-clear, hindi totoo yung tsismis na may kinausap kaming ganito, kinausap, wala pang kinakausap.
“Kami lang ni Ms. Beth ang nag-uusap at nagpapaalam kami sa pamilya ng Villar, so walang katotohanan na kinausap ng ganito, sa noontime si ganito, wala pong katotohanan yun.
“Dahil kami ni Ms. Beth ang kumakausap sa managers, sa kumpanya ng mga kukuhaning artista, at sa mga artista. Wala pa ho. Lahat ito sasabihin namin, another press conference,” paliwanag ng TV host.
Ayon pa kay Willie baka sa darating na October na umere ang iba pang pinaplano nilang programa para sa AMBS.
Inaasahan din ang bonggang pagbabalik ng “Wowowin: Tutok To Win” sa free TV kaya sure na sure kami na ngayon pa lang ay abangers na ang mga fans ni Willie, lalo na ang mga senior citizens na mula noon hanggang ngayon ay nakasuporta sa kanya.
https://bandera.inquirer.net/309346/willie-nabiktima-uli-ng-fake-news-kahit-anong-sabihin-nyo-sa-akin-masama-walanghiya-wala-sa-akin-yan
https://bandera.inquirer.net/318854/willie-revillame-sobrang-busy-tutok-na-tutok-sa-ambs2
https://bandera.inquirer.net/308119/willie-itutuloy-na-ang-wil-network-habang-hindi-pa-bukas-ang-ambs-tutuparin-ang-pangako-sa-publiko