Gabbi Garcia gustung-gusto ang ginagawa ni Khalil Ramos sa daliri niya kapag magka-holding hands, ano kaya yun?

Gabbi Garcia at Khalil Ramos

IBINANDERA ng Kapuso actress-model na si Gabbi Garcia sa publiko ang pinaka-sweet na ginawa sa kanya ni Khalil Ramos.

Ayon sa dalaga, yan ay ang paghihintay ng singer-actor sa tamang panahon bago siya ligawan. Tumagal daw ng halos dalawang taon bago pa sila nagsimulang mag-date.

Napa-throwback ang “Love You Stranger” star sa isang video ng  “Kapuso Confessions” kung saan nagkuwento nga siya tungkol sa pagsisimula ng love story nila ni Khalil.

Aniya, ipinakilala sila ng kanilang common friends sa isa’t isa noong 2015 pero nag-start silang mag-date taong 2017 nang mabigyan ng chance na mag-reconnect muli.

Sa isang bahagi ng video, sinagot ni Gabbi ang tanong kung ano ang “sweetest thing” na ginawa sa kanya ng boyfriend sa ilang taon na nilang relasyon.


“Ang dami, e, but it was to wait for me. Kasi I feel like, si Khalil, 2015 pa lang, magkakilala na kami but 2017 ako naging ready so we started dating nu’ng 2017. So, he waited,” pahayag ng Kapuso actress.

Gustung-gusto naman daw niya kapag nira-rub ni Khalil ng thumb nito ang kanyang hinlalaki lalo na kapag magkaholding hands sila.

“I love it when he does this to my hand, kapag hinahawakan niya ako,” sey ng dalaga.

At ngayong natupad na ang pangarap nila noon na makagawa ng teleserye together, ang next na gusto nilang matupad sa kanilang bucket list ay magkaroon ng sariling travel show.

“We love traveling, we love to travel the world, and magkakasundo kami ni Khalil doon,” sabi pa ni Gabbi.

Samantala, hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng Kapuso viewers at netizens ang nakakakilig na first kiss nina LJ (Gabbi) at Ben (Khalil) sa “Love You Stranger.”

Sa episode noong Huwebes July 7, nagpamalas din ng husay sa heavy scenes ang real-life couple na GabLil.

Iyan ay matapos mag-breakdown si Ben nang bumalik ang lahat ng nakakakilabot niyang alaala sa Sta. Castela pati na rin ang mga nangyayaring kababalaghan sa kanilang film shooting.

To the rescue naman si LJ para i-comfort si Ben. Doon na nga umamin ang dalaga na siya si “Tisay,” ang kababata ni Ben na may nickname naman noon na “Lampa.” Kasunod ng iyakan at katatakutan, nauwi ang eksena sa matamis na halik ng GabLil.

Marami ang humanga sa dalawang aktor na nagko-complement sa ganda ng kuwento ng serye. Komento ng isang netizen, “Unconventional ‘yung story and not your usual teleserye. Ang husay ng LYS!”

Kaya naman nananatiling winner sa ratings ang serye ng GabLil. Ayon sa Nielsen Philippines National Urban TV audience measurement data para sa June 6 hanggang 23, nakapagtala ang “Love You Stranger” ng 6.2 percent average people rating.

Sa Nielsen NUTAM overnight data naman mula June 27 hanggang 30, nakakuha ito ng 6.5 percent.

Tiyak na mas matindi pang kilig at misteryo ang dapat abangan sa “Love You Stranger,” Lunes hanggang Huwebes, pagkatapos ng “Bolera” sa GMA Telebabad.

Gabbi ‘ghinost’ si Khalil noon para makipagbalikan sa ex-boyfriend

Payo ng tatay ni Gabbi Garcia sa pakikipagrelasyon: Huwag na huwag mong kalilimutan kung sino ka

Khalil sa bagong serye nila ni Gabbi: It’s quite ambitious…mapapatawa ka, matatakot ka, mai-in love ka

Read more...