WINNER bilang Mister Supranational 2022 si Luis Daniel Galvez ng Cuba na idinaos sa Strzelecki Park Amphitheater sa Nowy Sacz, Malopolska, Poland, kagabi, Hulyo 16 (Hulyo 17 sa Maynila).
Naganap ang nasabing international male pageant isang araw matapos na idaos ang Miss Supranational 2022 kung saan kinoronahan si Lalela Mswane ng South Africa bilang unang reyna mula sa kanyang bansa.
Tinalo ni Galvez ang 33 iba pang kalahok sa ikaanim na edisyon ng Mister Supranational upang manahin ang titulo mula kay Varo Vargas ng Peru.
Kasama sina Vargas at Mswane sa lupon ng inampalan para sa patimpalak.
Hinirang naman bilang first runner-up si Matthew Gilbert ng Indonesia, habang second runner-up si Leonidas Amfilochios ng Greece.
Third runner up si Moises Peñaloza ng Mexico at fourth runner-up si Heriberto Rivera ng Puerto Rico.
Nakapasok naman sa Top 20 ang kinatawan ng Pilipinas na si RaÉd Al-Zghayér, isang flight attendant na taga-Cebu.
Wala pang Filipinong nagwawagi bilang Mister Supranational. Ang Miss World Philippines organization ang kasalukuyang may hawak ng prangkisa para sa patimpalak na panlalaki.
Napili si Al-Zghayér sa isang casting call na ginawa para sa 2022 Mister World Philippines competition.
Ngunit nagpasya ang organisasyon na huwag nang magdaos ng patimpalak at pumili na lang ng mga kinatawan para sa Mister World at Mister Supranational ngayong taon.
https://bandera.inquirer.net/295687/pilipinas-back-to-back-ang-pagkapanalo-sa-mister-gay-world
https://bandera.inquirer.net/318811/lalela-mswane-ng-south-africa-kinoronahang-miss-supranational-2022
https://bandera.inquirer.net/295687/pilipinas-back-to-back-ang-pagkapanalo-sa-mister-gay-world