BAGO maabot ni Bea Alonzo ang kinalalagyan niya ngayon sa mundo ng showbiz ay dumaan din siya sa matitinding pagsubok tulad ng iba pang sikat na celebrities ngayon.
Hindi rin naging madali para sa award-winning actress ang marating ang estado niya ngayon bilang isa sa pinakamagagaling na artista sa kanyang henerasyon.
Bukod sa pa-extra-extra noon sa mga teleserye at pelikula, marami ring naranasang hirap at sakripisyo si Bea para lang magtagal siya sa pagiging artista.
Knows n’yo ba na kahit sa wardrobe ay namroblema rin ang “Start-Up Ph” actress noong nagsisimula pa lang ang kanyang acting career.
“Noong time kasi namin wala kaming cut-off, nung time namin wala kaming stylist, so we had to do everything for ourselves.
“Like kapag sinabi na 50 sets of pambahay, ganyan gagamitin as in maghahalughog ka kasi kapag normal na tao ka wala ka namang 50 sets na pambahay.
“Parang, I remember, halimbawa sasabihin nila 25 sets of panglakad. Tinitingnan ko ‘yung closet ko, parang tatlong maong na pantalon lang meron ako. Saan ako kukuha ng 25?” ang natatawang chika ni Bea sa podcast ni Nelson Canlas.
Dahil dito, nasubukan pa niyang manghiram sa mga kapitbahay para lang may magamit siya sa kanyang shooting at taping.
“Kumakatok kami sa mga kapitbahay namin ganu’n, tapos magpapahiram naman sila. Mababait sila kasi gusto nila makita sa TV ‘yung damit nila ganu’n, as in nanghihiram lang kami,” pag-amin pa ng leading lady nina Alden Richards at Jeric Gonzales sa “Start-Up.”
Kapag wala na raw silang mahiraman ng damit, agad daw gogora sa Divisoria ang kanyang nanay para bumili ng bago pero mumurahing damit.
“Yung nanay ko before nu’ng medyo kumikita na pero maliit lang suweldo ko noon, bago pa magbukas ‘yung Divisoria nandoon na siya kasi doon siya bibili ng mga damit pang-taping, as in bago kami mag-taping bibili siya kasi doon mura,” chika pa ng girlfriend ni Dominic Roque.
Samantala, abangers na ang fans ni Bea sa upcoming drama series niya sa GMA na “Start-Up Ph” dahil ito nga ang kauna-unahan niyang serye bilang Kapuso.
https://bandera.inquirer.net/286314/andi-ibinenta-ang-mga-paboritong-damit-para-sa-health-center-at-daycare-ng-siargao
https://bandera.inquirer.net/282555/2-sa-mga-nanglimas-sa-community-pantry-dumepensa-matapos-ma-bash-hindi-kami-nagnakaw
https://bandera.inquirer.net/301369/maris-racal-rico-blanco-hinarana-ang-mga-kapitbahay