Masayang inansuyo ng mobile services brand TNT na ang Asia’s superstar na si Kathryn Bernardo ay ang bago nilang ka-tropa at brand endorser.
Si Kathryn ang mukha ng bagong TNT campaign para sa ‘Sulit Affordaloads,’ ang mga mura at budget-friendly promos na may data, call, and text na sa halagang nagsisimula sa P10 lang. Ayon sa TNT, layon ng ‘Sulit Affordaloads’ na bigyan ang mga subscribers nang tuluy-tuloy na saya lalo ngayong panahon ng kagipitan. Ika nga ng tagline nito, “Ang taong gipit, sa saya kumakapit.”
‘I’m glad na maging bagong TNT ka-tropa, lalo na dahil alam kong pinapahalagahan ng TNT ang pagbibigay saya sa mga subscribers through affordable promos,” ani Kathryn.
“Maaasahan natin ang TNT para maging masaya sa simple at sulit na paraan, tulad ng pakikipagkwentuhan sa ating mga kaibigan sa social media, pagtawag sa ating mga mahal sa buhay, at pagsend ng messages sa kanila,” dagdag niya.
‘Bukod sa isa sa mga magagaling na aktres ng kanyang henerasyon, si Kathryn ay nanatiling mapagkumbaba at approachable. Siya rin ay source of inspiration ng kanyang mga fans sa kanyang mga vlogs, series, at movies, kaya naman masaya kami na i-welcome siya sa TNT tropa para magdala ng saya sa aming mga subscriber,” ani Francis E. Flores, SVP and Head of Consumer Business Wireless – Individual at Smart.
Register to Pantawid 10, SurfSaya 20, at All Data 50
Ang TNT Sulit Affordaloads ay para sa mga subscribers na gustong magtipid. Kasama rito ang Pantawid 10 na may 100 MB Open Access Data for all apps and sites, 100-minute Calls to All Networks, and 100 Texts to All Networks, valid for one day for only Php10.
Ang SurfSaya 20 naman ay may total of 600 MB data (300 MB Open Access Data and 150 MB per day of apps like Facebook, Instagram, TikTok and Mobile Legends: Bang Bang) plus Unlimited Calls and Texts to All Networks valid for two days for only Php20.
At ang All Data 50 naman ay may total of 5 GB data (2 GB open access data and 1 GB per day of FREE TikTok for All) valid for three days, for only Php50.
Pwedeng mag register ang mga subscribers sa sa pamamagitan ng pag-log in sa GigaLife App o sa pag dial ng *123#. Available din ang TNT Sulit Affordaloads sa mga sari-sari stores at retailers nationwide.
ADVT.