KUNG siya lang ang masusunod, mas gusto ng award-winning actress na si Nadine Lustre na makagawa ng iba’t ibang klaseng pelikula na labas sa kanyang comfort zone.
Ayon sa dalaga, mas okay kung hindi pare-pareho ng tema o konsepto ang mga susunod niyang pelikula sa Viva Films para ma-chellenge pa siya sa bawat role na gagampanan niya?
Sa nakaraang presscon at story conference ng bagong movie ni Nadine under Viva Films, ang psychological horror na “Deleter”, natanong kung ano ang mas gusto niyang gawin ngayon sa estado ng career niya – conventional o out of the box type.
“I guess I will always go for both. Kasi kapag paulit-ulit na po yung genre ng films na ginagawa mo nakakasawa rin siya. Sobrang redundant na din,” sey niya.
Aminado rin ang dalaga na may pagkamasokista siya pagdating sa pagpili ng proyekto, “Tsaka hindi na siya challenging kasi, ‘Ah, alam ko na gagawin ko, ganito lang yan, ganyan.’ So I always choose projects that are challenging because I want to challenge myself. Gusto ko po kasi yung nahihirapan ako. Ha-hahaha!
“Gusto ko yung nasa labas ako ng comfort zone ko because I know that that’s good. Na dapat i-try ko rin yung different roles, different kinds of films.
“And for me po kasi at the end of the day I feel like more than…di na rin for the cast, but I’m doing it for myself because iba po kasi yung feeling knowing na proud ka sa ginawa mo,” paliwanag ni Nadine.
Ang “Deleter” ay ididirek ni Mikhail Red at second movie na niya sa Viva this year kung saan makakatrabaho naman sina McCoy de Leon at Louise delos Reyes. Una niyang ginawa ang “Greed” kung saan nakatambal naman niya si Diego Loyzaga.
“Super excited ako to do this film, my first psychological horror. I’m also very excited to work with Direk, kasi to be honest, I haven’t seen any of his films.
“Pero there’s Dead Kids, Block Z, ano pa ba, and these are very innovative and very challenging films.
“And ako I’m up for the challenge talaga dahil sabi ko nga, masarap talagang gumawa ng pelikula na out of my comfort zone,” pahayag ng aktres.
Sey pa ni Nadine sa mga hinahanap niya sa isang horror project bago niya ito tanggapin, “Ayoko yung puro jump scare lang tapos puro nakakatakot lang. Nae-enjoy ko po kapag yung pelikula mereon siyang back story, merong malalim na kuwento.
“Yung isa din po kasi sa mga favorite ko na psychological horror meron siyang after effect, so gusto ko yung mga pelikula na parang after mo siyang panoorin may mga ilang days ko siyang iisipin.
“After kong panoorin yung isang favorite ko na film talagang every time kailangang lumilingon ako at natsitsek ako kung may tao kasi may ganu’n din sa film,” pahayag pa ng aktres.
Wish naman ni Nadine na sa mga sinehan na ipalabas ang “Deleter”, “Gusto siyang makita on the big screen. Nakaka-miss kasi yung premiere night. Sana mapalabas ito sa sinehan kasi ang tagal ko ng hindi nakanood ng sine.”
Kuwento naman ni Nadine sa magiging role niya sa movie, “Kami yung nagmo-moderate ng mga content ng social media and dahil sobrang accessible ng social media kahit ano puwede nating i-post.
“Yung trabaho namin kami yung namimili just to make sure na yung mga ma-upload na videos ay maayos or hindi violent. Doon sa isang video na mapapanood namin may madi-discover kami at doon na papasok ang twists and turns ng kuwento,” sey pa ni Nadine.
https://bandera.inquirer.net/297395/cristy-muling-binanatan-si-nadine-wala-akong-planong-panoorin-siya
https://bandera.inquirer.net/296416/nadine-sinupalpal-ang-netizen-naghahanda-sa-pagbabalik-pelikula
https://bandera.inquirer.net/291537/nadine-feeling-blessed-sa-pagdating-ng-baby-no-3-boy-kaya-o-girl