PATULOY na nagdarasal at umaasa ang aktor na si Andrew Schimmer na gagaling at muling magiging normal ang kundisyon ng asawang si Jorhomy “Jho” Rovero.
Hanggang ngayon ay naka-confine pa rin sa intensive care unit (ICU) ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig City ang misis ng dating sexy actor dahil sa iniindang karamdaman.
Noon pang November, 2021 nakaratay sa ospital si Jho dahil severe hypoxemia. Ayon sa isang health website, “Hypoxemia is when you have low levels of oxygen in your blood. When this happens, the organs and tissues in your body don’t get enough oxygen to function properly.
“Hypoxemia is often the result of a problem with gas exchange in your lungs, although it can have some other causes.”
Nitong nagdaang July 11 ay ipinagdiwang ng asawa ni Andrew ang kanyang kaarawan at sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ng aktor ang birthday message para kay Jho kalakip ang litrato nito sa ospital.
“Happy happy Birthday my Love. Words are not enough to Express how I feel for you my dear. I Love you with all my heart and strength.
“Wag kapong maiinip, alam ng panginoon lahat, nakikita nya lahat ng paghihirap mo (crying, praying hands emojis) promseee someday you will smile again…
“I will hear you laugh again, so please, fight more. Don’t give up yet. I will always have your back, no matter what. Dito lang po ang dadi sa tabi mo forever, we will fight and win this battle together,” madamdamin pang pahayag ni Andrew.
Unang ibinalita ng aktor sa madlang pipol noong November, 2021 ang kalagayan ni Jho kasabay ng paghingi ng tulong sa mga kaibigan niya sa showbiz at sa netizens para sa lumulobo nilang hospital bills.
Nagbigay naman siya ng update tungkol sa health condition ng asawa last June 22 sa pamamagitan ng kanyang TikTok account.
“She’s very stable naman at the moment, as you can see. Napakasarap ng kanyang tulog. Mahimbing na mahimbing.
“Ang pinakaproblema lang is nagre-occur yung kanyang fever. Nilalagnat siya ulit ng 38.4 kagabi.
“Kaya minomonitor ulit namin siya ng matindi kasi baka tumaas na naman yung fever niya, mag-seizures naman siya. Kaya talagang nakabantay kaming maigi sa kanya.
“So ang gagawin nila, uulitin nila yung mga test na ginawa sa kanya, just to make sure kung ano yung nangyayari sa loob ng katawan niya, kung bakit siya nilalagnat ulit.
“So magyu-urine alaysis ulit sila, magsi-CBC, saka magko-conduct ulit sila ng x-ray test para sigurado.
“Pero yung result ng kanyang test ultrasound last time was very good. Clear naman. Kaya hindi natin alam, hindi natin maintindihan kung bakit siya nag-fever ulit.
“So, hopefully, wala naman masyadong complication sa loob ng katawan niya ngayon. Sana okay lang lahat,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/298552/andrew-schimmer-humihingi-ng-tulong-para-sa-asawang-nasa-icu-hospital-bill-nasa-p3-m-na
https://bandera.inquirer.net/301195/andrew-schimmer-muling-humingi-ng-tulong-para-sa-asawang-nasa-icu
https://bandera.inquirer.net/301618/gagawin-natin-lahat-para-mabuhay-ulit-ang-movie-industry