Chie Filomeno walang arte sa pagpapakita ng seksing katawan; nag-‘water diet’ pero hindi epektib

Kyle Echarri at Chie Filomeno

GAME na game sa pagpapakita ng kanyang seksing  katawan ang Kapamilya actress-model na si Chie Filomeno sa bag niyang proyekto sa ABS-CBN.

Siguradong mapapa-wow at maglalaway ang kanyang mga male fans sa kapag napanood ng mga ito ang latest iWant Original series na “Beach Bros” kung saan makakatambal ng dalaga si Kyle Echarri.

Sa nasabing digital series, nagbilad ng kanyang sexy body si Chie with her skimpy two-piece bikini at wala raw itong issue sa kanya dahil nagawa na niya ito nang maging celebrity ambassador siya para sa isang liquor brand.

“May investment yung pagsusuot ko ng swimsuit kasi I love my body and I want to empower women also with the same body type.

“Kasi ang daming payatin din sa atin, flat-chested, ganu’n. Gusto ko lang sabihin sa kanila na wear whatever you want, ikaw ang bumili niyan, nag-workout ka, pinaghirapan mo yan, ipakita mo ang gusto mo ipakita. No judging,” simulang pahayag ni Chie sa naganap na presscon at special screening ng “Beach Bros” kamakailan.


“You know yourself better than anyone and pagod na pinagdaanan mo and as long as you know that your body is health, your mind is healthy and also your soul, yun lang talaga, eh.

“Kahit anong suotin ko diyan, may sasabihin at sasabihin ang tao eh. So pasok lang dito tapos labas na dito,” dagdag pa ng aktres.

Para ma-achieve ang kanyang ideal weight, nag-try si Chie ng iba’t ibang klase ng diet hanggang sa matagpuan niya ang “the best for her body.”

“I give my body what it needs. Hindi ko dini-deprive yung body ko kasi hindi ako naniniwala sa diet na you have to starve yourself. Iba-iba kasi tayo ng katawan.

“Iba-iba din yung kailangan ng katawan natin so kailangan talaga natin alamin kung ano yung kailangan ng katawan natin.

“Kasi dumaan ako sa tubig lang yung iniinom ko, yung mga ganu’n. Yung mga diet na hindi naman nagwo-work sa akin. Ang daming diet diyan.

“Ang nag-work sa akin yung kailangan talaga yung masipag. Hindi naman ako gumising na ganito na yung katawan ko. Talagang we work hard for it.

“Kakain tapos mag-wo-workout tapos kakain. Ganun talaga ako. Workout talaga and sumasayaw din ako. Ha-hahaha! I think yun yung cardio ko. Kasi ayoko talaga pumayat, gusto ko magka-muscle. So weights and palakas,” aniya pa.

Samantala, hinihiling ng dalaga na sana’y suportahan at panoorin ng madlang pipol ang “Beach Bros” dahil proud na proud daw silang lahat sa cast at production sa kanilang online series.

In fairness, talagang nakabuo raw sila ng napakagandang friendship habang ginagawa ang programa. Mas naging close pa raw sila ngayon ni Kyle Echarri pati na sa ibang co-stars nilang sina Kira Balinger, Angelica Lao, Brent Manalo, Raven Rigor, Sean Tristan, at Lance Carr.

“Nakakatuwa na we got there not knowing na magiging close kami after. As in it didn’t feel like it was work at all.

“As in lahat kami close, Kung tipong pagkatapos ng taping konting hangout, magkakasama kami. At saka yung mga batuhan ng linya parang hindi na kami by the script. Parang go with the flow na talaga kami,” sabi pa ni Chie.

Ngayong July na magsisimula ang iWantTFC original series na “Beach Bros” sa direksyon ni Victor Villanueva mula sa Dreamscape Entertainment.

https://bandera.inquirer.net/299919/chie-filomeno-tumigil-sa-pagsasayaw-matapos-ma-bash-dahil-sa-viral-video

https://bandera.inquirer.net/298797/chie-filomeno-mine-message-na-ni-kyle-bago-pa-sila-pumasok-sa-pbb

https://bandera.inquirer.net/315359/mensahe-ni-chie-filomeno-kay-kyle-echarri-how-i-wish-masabi-ko-sa-kanya-na-wala-siyang-kasalanan

Read more...