Andre pangarap makatrabaho ang amang si Benjie, hirit kay utol: Kobe, sa ‘yo na ang basketball, akin na ang showbiz

Andre, Kobe at Benjie Paras

KUNG mabibigyan ng pagkakataon, gusto uling makatrabaho ni Andre Paras sa isang sitcom o game show ang tatay niyang komedyante na si Benjie Paras.

Sey ng Kapuso actor, sana raw ay magkasama uli sila ni Benjie sa isang programa kung saan mas maipakikita pa niya sa mga manonood ang kanyang versatility bilang artista.

Magko-concentrate na ngayon ang binata sa kanyang showbiz career matapos mag-resign sa Philippine Basketball Association o PBA bilang miyembro ng Blackwater Bossing.

“As of now I’m here back home sa GMA. And I’m very excited dahil, iyon nga, sa Daig Kayo ng Lola Ko. And then after that, hopefully, for the other upcoming projects, I will be wholeheartedly here with them to learn and to just enjoy my stay po,” pahayag ni Andre sa virtual mediacon ng GMA para sa anniversary special ng “Daig Kayo Ng Lola Ko.”

Ayon kay Andre, sa ngayon ay ipinauubaya na niya sa kapatid niyang si Kobe Paras ang paglalaro ng basketball na namana nga nila sa amang si Benjie na naging superstar player din noon sa PBA.

Pahayag ni Andre, “You know what, Kobe, sa iyo na yung basketball. Nahati yung talent ni Dad, so okay, du’n na ako sa showbiz and sa pag-aartista and pagiging isang actor, Kobe du’n ka na sa basketball.”


Natanong ang binata kung may mga dream role o dream projects ba siya na nais gawin in the future, “To be honest, I would just be willing to accept anything. But if you were to ask me yung dream roles ko, I would really love to work with my dad again!

“And it could be for a game show, it could be for a movie or a show. Kasi iyon nga po, I think the last time I’ve worked for a long time with my dad was in The Half Sisters (2014) nung nag-guest po siya for I guess a month?

“And then after that there are other shows or series na ginawa po namin under GMA also kung saan ako naman ang nag-guest sa show niya,” sabi ni Andre.

Paliwanag naman ng aktor kung bakit gustung-gusto niyang makatrabaho ang ama, “Just being able po to work with him, of course, it doesn’t feel like work, but I get to learn from him as well.

“Kasi my dad is someone na I look up to po when it comes to comedy. Ako po, obviously, there’s a lot of work I need to do.

“So kung may workshop man, of course, kukunin ko iyan. But I still want to better my craft. So iyon, I would really love to work with my dad in the future,” katwiran pa ng binata.

Samantala, patuloy na panoorin si Andre bilang si Big Bad Wolf sa “Bida Kontrabida” anniversary episode ng “Daig Kayo Ng Lola Ko.”

Kasama niya rito sina Jo Berry bilang Rumpelstiltskin, Cai Cortez bilang Sea Witch at Rufa Mae Quinto bilang Evil Queen.

Ito ay mapapanood sa apat na Linggo ng Hulyo (July 10, July 17, 24, at 31), tuwing 7 p.m. sa GMA.

https://bandera.inquirer.net/283203/kobe-paras-umaming-inatake-ng-depresyon-andre-may-bwelta-sa-haters

https://bandera.inquirer.net/289679/daniel-pabor-kay-kobe-paras-sana-alisin-na-ang-bilang-ng-likes-at-followers-sa-socmed

https://bandera.inquirer.net/317175/kobe-paras-erika-poturnak-nagbakasyon-sa-ibang-bansa-from-bali-with-love

Read more...