Quinn Carillo inaming hango sa tunay na buhay ang sexy-thriller film na ‘Tahan’

Quinn Carillo inaming hango sa tunay na buhay ang 'Tahan'
HINDI nawawala ang magandang mga ngiti ni Quinn Carillo, ang nagsulat ng script ng sexy-thriller film na “Tahan” na idinirek ni Bobby Bonifacio sa ginanap na private screening nitong Biyernes na mapapanood sa Vivamax sa Hulyo 22.

Gandang-ganda sa pagkaka-interpret ni direk Bobby si Quinn sa sinulat niya tungkol sa inang kinalakal ang anak sa murang edad kaya paglaki ay hinahanap-hanap na nito ang nakasanayan.

True to life story ito ayon kay Quinn, “hindi naman po ito a personal story of mine but I really got this from a person I knew, so, I would not drop name but 11 years old siya that specific na ibinenta siya ng nanay niya for a very low price because her mom is an addict. So, do’n (nagsimula) at kilalang-kilala ko personally and even the lines ni Ms Jane (Jacklyn Jose) na ‘yung nanghihingi ng pera.

“I knew people like these na ‘yung mga parents nila ganito makapag-demand ng pera sa mga anak nila. Just because you don’t know someone like these doesn’t mean na they don’t exist. So, gusto kong pakita sa mga tao na there’s people like these kaya nilagay ko sa story na ito.”

Grabe ang palakpakan kay Quinn nang matapos mapanood ang pelikula dahil ang tapang ng kuwento nito na sinabayan pa ng brutal na pagkakadirek ni Bobby Bonifacio na forte nito ang sex thriller.

Si Cloe Barreto ang gumanap na anak na pokpok ni Jaclyn Jose bilang palaasa at palamunin na ina. Gagampanan naman ni JC Santos ang High School boyfriend ng dalaga na kahit maraming lalaki na ang nagdaan sa buhay niya ay ito pa rin ang kanyang true love.

Isa naman sa customer ni Cloe si Mercedes Cabral na sobrang laki magbayad, pero may bawas kapag na-late ka ng dating, sa madaling salita, de metro ang pakikipag-sex nito.

Bestfriend ni Cloe si Quinn Carillo at si Karl Medina ang negosyanteng sugar daddy ng dalaga at si Aj Oteyza naman ang call boy na binabayaran ng una para siya naman ang magpaligaya sa kanya.

Sa pagpapatuloy ni Quinn tungkol sa pagkakabuo ni direk Bobby, “ang ganda! Talagang paulit-ulit ako kay direk Bobby, ‘direk totoo ba? Ito na p o ba ‘yung sinulat ko? Iba kasi ‘yung vision ko tapos nu’ng i-interpret ni direk, ang ganda! Direk sobrang thank you and sobrang nakaka-flatter talaga at sobrang happy sa ginawa naming pelikula.”

At siyempre super gulat din ang naramdaman ng bida ng Tahan na si Cloe, “sobrang saya kop o kasi hindi ko ini-expect at ang ganda po talaga nu’ng story nu’ng nabasa kop o.”

At dito naging emosyonal si Cloe, “kasama pala ako sa movie na ‘yun. Parang hindi ako ‘yun ah. Sobrang thank you po talaga at nakasama ako.”

Nakilala si Cloe sa pelikula nitong “Silab” na idinirek ni Joel Lamangan at doon palang ay nakitaan na siyang marunong umarte at gory din ang kuwento dahil pinutol naman niya ang penis ng asawa niyang nangaliwa.

Dito sa “Tahan” ay parang kumatay naman ng baboy si Cloe na talagang napa’ewww’ lahat ng nanood.

Sa tanong kung hindi ba natakot si Cloe na gawin ang mga ganitong eksena.

“Nagugulat lang po ako, gustung-gusto ko po kasi para akong si Chucky (doll) kasi idol ko si Chucky,” tumawang sabi ng Vivamax star.

Paulit-ulit uling binanggit ni Cloe na type na type niya ang eksenang sinasaksak niya ‘yung mga partners niya dahil feel na feel niyang si Chucky siya.

Anyway, abangan ang sex thriller na “Tahan” mula sa 3.16 Media Network ni Len Carillo at John Bryan Diamante.

Related Chika:
Cloe Barreto mapapalaban ng aktingan kina Jaclyn Jose at JC Santos

Jaclyn Jose umamin: Karamihan sa mga baguhang nakakatrabaho ko, natatakot sa akin…sabi ko, hindi ko sila sisindakin

Read more...