Angelica naimbyerna sa natatanggap na spam message araw-araw: Napakarami ko nang na-block

Angelica naimbyerna sa natatanggap na spam message araw-araw: Napakarami ko nang na-block

MAGING ang mga artista gaya na lamang ng aktres at soon-to-be mommy na si Angelica Panganiban ay hindi rin nakaligtas sa mga nagpapadala ng spam messages.

Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi ng aktres ang kanyang frustration dahil sa dami ng kanyang natatanggap na mensahe mula sa mga unknown numbers.

“What are the chances na kapag bago na ang phone number mo, hindi ka na matetext ng mga nagsasabing ‘beshie this is your lucky day’ or ‘you are now hired’ or we are hiring’. Napakadami ko nang na block,” saad ni Angelica.

Kalakip ng kanyang tweet ay ang screen recording niya ng mga numerong patuloy na nagpapadala sa kanya ng spam messages.

Marami naman sa mga netizens ang tila naka-relate sa hinaing ni Angelica dahil sa madalas rin silang nakakatanggap ng mga spam messages.

“Hindi ka nag-iisa dyan, super annoying naman talaga. Di dapat magreply dyan block na agad. Nakakangalay po talaga sa fingers sa dami araw araw may marereceive ka nyan. Dami nilang simcard na hawak iba iba,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isang netizen, “Kahit kakapalit mo lang ng new number, still recycled number pa rin yan kaya may magtetext pa din ng ganyan sayo. Depende na lang siguro kung ikaw ang pinakauna g owner ng number.”

“Wala. Scammers use a progeam and sends it to a ‘range’ of numbers, so it no longer matters whether your number is new or recycled. I have another number that nobody knows about but I get the same messages from what I get on my main line,” dagdag pa ng isa.

May ilan pa nga na idinaan na lang sa biro ang mga spam messages na natatanggap.

“Pataasan kami ni misis sa mga starting salaries ng mga job offers. Siya 10k ako 4k lang,” pagkukwento naman ng isang netizen.

Hindi naman na ito bago dahil mula noong pandemya ay marami na sa mga Pinoy ang nagrereklamo sa talamak na kaso ng mga taong madalas makatanggap ng mga ganitong mensahe.

Kung katulad ka rin ni Angelica na madalas makatanggap ng mga spam messages, maaari mo itong i-report sa National Telecommunications Commission at bisitahin ang https://ntc.gov.ph/complaint.

Related Chika:
Angelica biglang naiyak habang inaayos ang nursery ng first baby: Ganito pala ang pakiramdam ng kumpleto ka…

Angelica Panganiban naiyak sa regalo ni Juday, gustong burahin ang kagagahang ginawa noon

Read more...