Kobie Brown, Andi Abaya may pangako sa isa’t isa; hindi magmamadali sa pakikipagrelasyon

Kobie Brown, Andi Abaya, Amanda Zamora, Chico Alicaya, Gail Banawis at Ralph Malibunas at Richard Juan

IN FAIRNESS, promising ang tambalan ng mga dating “Pinoy Big Brother” season 10 housemates na sina Kobie Brown at Andi Abaya.

Hindi na kami magtataka kung sila na ang magiging next important stars at susunod na phenomenal loveteam ng ABS-CBN dahil may hatid din silang kilig at good vibes sa madlang pipol.

At hindi sila nagpapaka-showbiz ha, dahil kamakailan lamang ay diretsahang inamin ni Kobie na nililigawan na niya si Andi kaya naman tuwang-tuwa ang kanilang mga supporters.

“Courting stage po. Nasa courting pa lang po,” ang sagot ng binata nang tanungin sa guesting nila sa  “Magandang Buhay” kung ano na talaga ang estado ng relasyon nila ni Andi.

Sunod na tanong sa magka-loveteam, kung “exclusively dating” na sila, unang sumagot si Andi, “We’re taking our time po kasi parang mas kinikilala ko lang si Kobie, mas kinikilala niya ako and ‘yung families po namin. So no rush.”


Naging emosyonal din ang young actress nang magbitiw siya ng pangako kay Kobie, “I promise that I will continue to support you. Naiiyak ako…

“I know it’s not easy to go through this industry but I promise na I will always support you and I will always believe in you no matter what challenge na haharapin natin kasi naniniwala talaga ako na you will go far,” sabi pa ng aktres at commercial model.

Sagot naman ni Kobie sa kanya, “Ang panata ko sa iyo kahit ano ang gusto mong gawin, like sa work in anything, sa school, whatever dreams you have, I always support you.

“And I know na minsan you don’t believe in yourself, you don’t believe you can do it, pero sobrang believe ako sa iyo na you can do anything because you are a hard worker. And I am so proud of you how far you’ve become,” dagdag na pahayag ng binata.

Samantala, kitang-kita namin ang napakalakas na chemistry ng dalawang bagets nang nakaharap namin sila sa presscon ng una nilang movie together, ang “Connected” mula sa iWantTFC sa direksyon ni Theodore Boborol.

Bentang-benta rin sa members ng press at mga vloggers ang kulitan at asaran nila habang nagaganap ang mediacon.

Makakasama rin nila sa “Connected” ang iba pang ex-housemates sa ika-10 edisyon ng “PBB” na sina Amanda Zamora, Chico Alicaya, Gail Banawis at Ralph Malibunas. Bahagi rin ng pelikula ang “PBB” host na si Richard Juan.

* * *

Patuloy nga ang pagningning ng Star Magic para sa kanilang ika-30 anibersaryo dahil pinasok na rin nito ang larangan ng film production, kung saan ipalalabas na ang unang pelikula nilang “Connected” tampok ang ilang reality TV stars mula sa “PBB” na magsisimula na sa July 22.

Youth-oriented ang tema ng pelikula na tatalakayin ang pag-ibig pati ang feeling na pagiging ‘disconnected’ sa mundong laging connected dahil sa social media.

Bibigyang-buhay ng dating “PBB” housemates ang kwento ng pitong kabataan na may kanya-kanyang personalidad, pero pawang na naghahanap ng atensyon, misyon, at pagmamahal.

Magsisilbing katuparan ang “Connected” ng misyon ng Star Magic Studios na ipamalas ang talento ng kanilang mga artista. Matatandaan na noong Pebrero 2022, isa ang Star Magic Studios sa ibinunyag ni Star Magic and ABS-CBN Entertainment Production head Laurenti Dyogi na plano ng pamunuan para sa ika-30th anibersaryo nito.

Paano nga ba pagtatagpuin ng tadhana at pag-ibig ang kanilang mga puso? Huwag palampasin ang “Connected” sa KTX, iWantTFC, TFC IPTV video-on-demand, at SKY Cable pay-per-view distributed by Cine Express simula sa July 22.

Abangan din ang mall shows ng cast ng “Connected” sa SM Las Piñas (July 16), Robinsons Antipolo (July 17), at Robinsons Las Piñas (July 23).

https://bandera.inquirer.net/279840/pbb-big-winner-liofer-may-napili-nang-aktor-kapag-itinampok-ang-life-story-sa-mmk

https://bandera.inquirer.net/302605/samantha-bernardo-hinang-hina-matapos-tamaan-ng-covid-19-i-promise-that-i-will-take-care-of-myself

https://bandera.inquirer.net/279781/liofer-waging-pbb-connect-big-winner-jie-ann-tinupad-ang-pangarap-ng-mga-kababayan-sa-saranggani

Read more...