“MAGING honest sa pagbili nang hindi makarma sa huli.”
Isa lamang ito sa mga nakaaaliw na “hugot line” na mababasa sa isang sikat na sikat na honesty store na matatagpuan sa Cavite.
Ang nasabing tindahan ay pag-aari ni Wilfredo Perlas na nakatayo sa ilalim ng isang puno sa Isla Bonita, Rosario, Cavite.
In fairness, mula nang simulan ni Wilfredo o mas kilala sa tawag na Papa Dudut sa kanilang lugar ang honesty store tatlong buwan na ang nakararaan, ay hindi pa rin ito nalulugi.
Kuwento ni Mang Wilfredo, naisipan niyang itayo ang kanyang tindahan mula nang masira ang kanyang tricycle na siyang inagamit niya noon sa paglalako ng kanyang mga paninda.
Sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Wilfredo na kumikita siya ng P1,200 hanggang P1,400 kada araw. Umabot naman sa P17,500 ang naging puhunan niya sa pagtatayo ng Rosario Honesty Store.
Ayon pa kay Wilfredo, napilitan siyang iwan ang kanyang tindahan nang maging kusinero sa mayor’s office. Kaya ang ginawa niya, inilista ang bawat produkto katabi ang mga presyo nito.
Bukod sa gatas, toyo, suka at kape, meron din siyang tindang gulay at prutas.
Sa ilang bahagi ng honesty store ay may mga nakadikit na papel kung saan nga nakasulat ang mga hugot line ni Wilfredo na nagsisilbi namang pampa-good vibes sa kanyang mga suki.
Isa na rito ang mensahe para sa mga nagbabalak mangupit sa kanyang tindahan, “Kung inaakala mong nakaisa ka—nagkakamali ka dahil hindi ka makakaligtas sa kaibigan kong tsismosa.”
Paalala pa niya, “Maging honest sa pagbili nang hindi makarma sa huli.”
May dagdag pa siyang mensahe para sa kanyang mga suki, “Alam ko naman ang nawawala, kaya alam ko naman ang nabebenta riyan. Tapat naman sila, e.”
Pahabol pa niyang pakiusap, “Sana po ang tao maging mabait sa kapwa para tularan tayo ng ibang taong dumadayo sa atin.”
https://bandera.inquirer.net/306562/heart-evangelista-game-na-nag-shopping-sa-sari-sari-store
https://bandera.inquirer.net/313393/marian-dingdong-solid-na-solid-ang-pagsasama-anong-sikreto-sa-7-taong-relasyon-bilang-mag-asawa
https://bandera.inquirer.net/307351/rico-blanco-nabahala-sa-takbo-ng-relasyon-nila-ni-maris-sabi-ko-hala-hindi-pa-tayo-nag-aaway