Alison Black humiling sa mga Pinoy para sa laban niya sa Miss Supranational 2022: All I ask for is your support, trust and prayers... Bandera

Alison Black humiling sa mga Pinoy para sa laban niya sa Miss Supranational 2022: All I ask for is your support, trust and prayers…

Ervin Santiago |July 13,2022
share this

Alison Black humiling sa mga Pinoy para sa laban niya sa Miss Supranational 2022: All I ask for is your support, trust and prayers…

Ervin Santiago - July 13, 2022 - 03:44 PM

Alison Black

TATLONG araw bago maganap ang  grand coronation night ng Miss Supranational 2022, humiling ang pambato ng Pilipinas na si Alison Black na sana’y ipagdasal siya ng buong bansa sa kanyang pagrampa.

Magaganap na sa July 16 ang finals night ng nasabing international beauty pageant sa Malopolska, Poland at habang papalapit nga ang judgment day, patuloy ang paghingi ni Alison ng suporta sa sambayanang Filipino.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nag-post si Alison ng dalawa niyang litrato suot ang kanyang gold swimsuit at kalakip nito ang panawagan at mensahe niya sa mga kapwa Filipino.

Aniya, sobrang proud siya bilang representative ng Pilipinas sa international stage at sana raw ay biyayaan siya na maiuwi ang pinakamimithing korona at titulo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alison Black (@alisonblack_)


“The finish line is getting closer and closer, Philippines! All I ask for is your support, trust, kind words, and prayers.

“Know that I’m extremely proud to be a Filipino on an international stage and I hope you feel that pride in my performance,” bahagi ng caption ni Alison sa kanyang IG post.

“I hope to channel the grit and passion of the girls of CRIBS Foundation as well. I haven’t seen them in a long time because of the pageant but they continue to be the reason I never give up.

“Let’s show the world what an aspirational Filipina can do!” aniya pa.

Kailangang-kailangan ngayon ni Alison ng matinding suporta mula sa mga Pinoy pagdating sa Miss Supranational fan vote.

Kahit nasa Top 10 na siya ngayon, nananawagan pa rin ang Miss World Philippines Organization na mag-download na ng Miss Supranational app at iboto na si Alison para masiguro na ang pagpasok niya sa Top 12 pagsapit ng finals night.

Mukha namang malakas ang laban ni Alison sa taunang pageant dahil sa bonggang peformance niya sa mga pre-pageant challenge.

Kahapon, in-announce na ng organizers na nakaasok siya sa top three ng Miss Supranational talent competition. Inilarawan pa siya ng Miss World Philippines Organization na, “Ballerina Queen is now dancing her way to the top.”

Ka-join din si Alison sa listahan ng top 15 Supra Influencer challenge.

Alison Black handang-handa nang lumaban sa Miss Supranational 2022, humiling ng dasal: Laban, Pilipinas!

Alison Black pasok sa Top 10 ng Miss Supranational 2022 ‘Supra Fan Vote’, nasa Top 6 din ng talent competition

Rabiya luha, dugo’t pawis ang puhunan sa paglaban sa Miss U: I want to win…!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending