Direk Roman Perez sa mga award-giving bodies: Hindi nila ako type, hindi nila type ang mga Vivamax film

Adrian Alandy, Ayanna Misola at Diego Loyzaga

NAPAKALALIM ng mga hugot ng direktor na si Roman Perez, Jr. nang muli siyang humarap sa members ng entertainment media nitong nagdaang Lunes, July 11.

Ito’y para sa virtual mediacon ng bago niyang Vivamax movie na “Ang Babaeng Nawawala sa Sarili” na pinagbibidahan nina Ayanna Misola, Diego Loyzaga, Adrian Alandy, Ava Mendez at Mon Confiado.

Naglabas kasi ng kanyang saloobin si Direk Roman tungkol sa pagbibigay ng acting at technical awards ng iba’t ibang award-giving bodies sa Pilipinas.

Sa unang bahagi ng online presscon, ipinagmalaki muna niya ang ipinakitang performance ni Ayanna Misola sa remake ng classic Viva hit na “Ang Babaeng Nawawala sa Sarili”.

Una itong ipinalabas noong 1989 na pinagbidahan ni Dina Bonnevie. Sabi ni Direk Roman, kahit daw si Bea Alonzo o si Nora Aunor ang bumida sa kanyang pelikula, siguradong mahihirapan dahil sa tindi ng mga eksena.

“Habang pinanonood ko ang pelikula sa editing, kahit si Bea Alonzo siguro ang gumawa nito, mahihirapan. Sobrang hirap ng karakter, apat na tao yung ginagampanan ni Ayanna.

“At kahit sino pa ang gumawa nito, mahihirapan. Kahit siguro ang ating National Artist na si Nora Aunor, kapag ginawa itong pelikulang ito ay mabibigyan ng magandang challenge.

“Ang hirap na multiple characters ang ginagampanan niya at napakagandang vehicle nito para kay Ayanna.

“Napakahusay ni Ayanna, lalo yung mga mahihirap na scene, na-pull off niya. Si Ayanna, matatawag na nating aktres,” ang dire-diretsong pahayag ng direktor.

Kasunod nito, nagpahayag nga ang direktor ng pagkadismaya dahil parang hindi pinapansin ng mga award-giving body ang mga Vivamax movies.

“Ang pelikulang ito (Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili), hindi naman talaga pinapansin ng award-giving bodies. Ang pandemic cinema, ang streaming cinema, hindi nila pinapansin.

“Hindi nila ako type. Hindi nila type ang mga Vivamax film. Hindi nila type. Napansin ko po, lalo sa local films, kapag streaming cinema, parang masyado nilang minamaliit. Hindi nga nila nino-nominate.


“Last year, ang daming magagandang pelikula ng Vivamax, ang gaganda ng mga pelikula ni Law Fajardo, yung ibang pelikula natin, wala man lang nominations. Hindi pinansin.

“Tapos yung mga na-nominate, lahat ng mga na-nominate, yung mga ipinalabas lang noong Disyembre, 2021 (Metro Manila Film Festival).

“Parang, okay, sige. Hindi nila kina-count yung streaming cinema, unlike sa Hollywood, sa Oscars, binibilang nila ang streaming cinema, kasi cinema siya, ginawa siya bilang pelikula.

“Obserbasyon ko lang naman. Wala naman akong hugot. Okay lang na hindi manalo ng award. Ang mahalaga, napanood ang mga pelikula namin. Masaya na kami,” aniya pa.

Sa tanong kung importante ba sa  mga tulad niyang filmmaker na kilalanin ng mga award-giving body ang kanilang mga pelikula, sagot ni Direk Roman, “Yes and no.

“Sa akin po kasi, ang pelikula ay sining. Ang sining ay para sa masa. Ang award-giving bodies ay ibinibigay o ini-screen ng jury. Depende sa jury kung sino.

“Yung jury ay kung nandoon sa elite art, hindi ka nila isasama, kasi napaka-elite ng jury.

“Yung ‘no’ naman, sa akin po kasi, ang sining ay para sa masa. Naabot ko po yung masa. Masaya na ako dun. Parang award na yun.

“Naglalakad ka sa kalye, kumakain ka sa isang restaurant, ‘Ay, ikaw yung gumawa ng Adan! Ah, ikaw yung gumawa ng Taya,’ ang sabi ng tricycle driver.

“Okay na ako. Masaya na ako. Magandang award yun. Ibig sabihin, naka-connect ako sa masa. May mga nanood ng mga pelikulang ginagawa namin.

“Hindi yung gagawa ka ng pelikula, ang dami kong napanalunan na awards sa abroad, wala naman nakapanood na Pilipino. Para saan ang sining?” mariing sabi pa ng direktor.

Mapapanood na sa Vivamax simula sa July 15 ang bagong pelikula ni Ayanna Misola na “Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili” at kayo na ang bahalang humusga kung karapat-dapat ngang ma-nominate at manalo ng awards ang movie.
https://bandera.inquirer.net/302208/bwelta-ni-roman-perez-sa-nanlalait-sa-kanyang-pelikula-panoorin-muna-at-kapag-basura-doon-nyo-kami-awayin

https://bandera.inquirer.net/313332/ayanna-misola-pinaligaya-ang-sarili-gamit-ang-buhay-na-isda-janelle-tee-walang-arte-arte-sa-lafangan

https://bandera.inquirer.net/316669/sikat-na-female-celeb-nilayasan-ang-talent-manager-nabwisit-sa-pakikialam-sa-personal-niyang-buhay

Read more...