Rayver niregaluhan ng mamahaling piano si Julie Anne, magdyowa na nga ba?

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

PAREHONG musikero sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose kaya naman parehong musical instrument ang regalo nila sa isa’t isa.

Isang mamahaling piano ang regalo ni Rayver sa singer-actress noong kaarawan niya, May 17.

At sa Hulyo 20 ay 33rd birthday na ni Rayver at ang advance gift ni Julie Ann sa kanya ay isang mahogany ukulele.

Ipinost ito ni Rayver sa kanyang Instagram account at may caption na, “BEST BDAY GIFT EVER @myjaps and Advance Happy bday #RayverCruz #Juliever  #JulieAnneSanJose.”


Sinubukan ng singer-actor na patugtugin ang ukulele sa awiting “Somewhere Over The Rainbow.” At ang komento naman ni Julie Anne, “So nicee kyyooooot (winky kissy face throwing kiss emoji).”

Sagot naman ni Rayver, “@myjaps wahahaha thank youuuuu ganda nito promise,” na may kapareho ring emoji.

Sabi ulit ni Julie Anne, “@rayvercruz madami ka matutugtog abangers ang kami, bagay sayo.”

Singit naman ng netizen na si @jenxruby16, “@myjaps @rayvercruz mas bagay po kayo.”

Oo nga, mas bagay kayo Rayver at Julie Anne.

Pero teka, parang hindi naman na yata love team lang ang dalawa dahil parati na silang magkasama sa lahat ng family events at maski simpleng salu-salo o pagdalaw lang ng aktor sa bahay nina Rodjun at Dianne ay kasama na rin si Julie Anne.

May larawang magkakasama silang apat at ang buong pamilya ni Julie Anne na ang caption ni Dianne ay, “Super fun bonding with the San Jose Family. Thank you, Lord, for the gift of family and friends! Thank you for making our celebration extra special and memorable.”

So, anong ibig sabihin no’n?  Kailangan pa ba ng pormal na pag-amin nina Rayver at Julie Anne?


https://bandera.inquirer.net/298261/julie-anne-sa-pagkabigo-sa-pag-ibig-bakit-ako-ba-yung-nagkulang-saan-ako-nagkamali

https://bandera.inquirer.net/308116/rayver-next-year-daw-balak-magkadyowa-si-julie-anne-na-nga-ba-ang-susunod-na-gf

https://bandera.inquirer.net/317214/love-life-hugot-ni-julie-anne-san-jose-okay-lang-naman-maghintay-basta-alam-mong-worth-it-ang-paghihintay

Read more...