BILANG single mom, hindi rin naging madali ang buhay para sa dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Jamilla Obispo.
Dalawa na ngayon ang anak ng aktres na ka-batch nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa “PBB Teens” (2006) — ang panganay niya ay 17 years old na habang ang bunso naman ay 7.
Naging nanay siya sa edad na 18 at simula nga noon, ay nagbago na ang takbo ng kanyang buhay lalo na nang mapasok na siya sa showbiz. Pero hindi rin nagtagal ay nawala siya sa limelight.
Makalipas nga ang ilang taon, nabigyan uli siya ng chance na makabalik sa showbiz sa pamamagitan ng Vivamax original movie na “Mahjong Nights”.
Nasundan pa ito ng iba pang projects tulad ng pelikulang “Kinsenas Katapusan”, ang sex-drama series na “L” kung saan nakatambal niya ang award-winning sexy actor na si Vince Rillon at “Iskandalo” with AJ Raval.
At ngayon nga, bida na rin siya kasama si Angeli Khang sa bagong Vivamax series na “Wag Mong Agawin Ang Akin” directed by Mac Alejandre.
“I’m really thankful na nabigyan ako ng Viva ng another chance sa career ko at magaganda pa ang projects that they’re giving me.
“Now lang nagbu-bloom nang husto at ngayon lang umaangat ang career ko. There was a time, naisip ko to give up na, kasi wala naman akong projects, pero yung iba, meron, and I felt so sad,” pahayag ni Jamilla sa virtual mediacon ng “Wag Mong Agawin Ang Akin.”
Aniya pa, “I kept asking, bakit ganu’n? Yun pala, dapat talaga, kumapit ka lang. Lahat will come in its own time kaya sabi nila, maghintay ka lang, laban lang. And heto finally, dumating na siguro yung right time for me.”
Aprubado naman daw sa dalawa niyang mga anak ang pagpapaseksi niya ngayon, “My eldest son is now 17, and I have a 7-year old boy. They both understand that their has to work, kasi I’m a single mom. Let’s face the reality na kailangan ko mag-work for their own benefit.”
Samantala, wala ring issue sa kanya kung nanay na ni Angeli Khang ang role niya sa “Wag Mong Agawin Ang Akin”, “Mother na naman talaga ako, kaya nga sakto rin para sa’kin ang project na ito as a mom.
“I can really relate with my character. Basta ako, I’m thankful na napalaki ko ang mga anak ko on my own and they understand my line of work,” aniya pa.
Sa kuwento ng serye, ginagampanan niya ang karakter ng isang nanay na nawalay sa anak at nang muli silang magkita, nalaman niyang magkaagaw pala sila sa isang lalaki.
Anong gagawin niya kung sakaling nangyari sa tunay na buhay ang nangyari sa kanya sa nasabing Vivamax series?
“Itong ‘Wag Mong Agawin’, sobrang ganda ng material for me. And I was really looking forward to working with Direk Mac kasi magaganda movies niya.
“And my role is so very challenging for me. In real life, would I give up the man kung kaagaw ko ang anak ko sa kanya. My answer is yes, kasi as a mother, dapat na magpaparaya ka. Ibibigay ko ang happiness ng anak ko, kasi kung ano happiness niya, happiness ko rin yun,” sagot ni Jamilla.
“Pero sa movie ayokong i-give up kay Angela si Felix Roco. Matindi yung naging mga awayan namin. We have confrontation scene na may mga sampalan kami.
“Napakagandang eksena, pinaghirapan namin. Ito na ang pinakamahirap na ginawa ko sa Vivamax, kasi mabigat talaga yung role, heavy drama na conflict with your own daughter.
“At si Direk Mac, piniga niya talaga kami rito ni Angeli, grabe pagluha namin,” kuwento pa ni Jamilla.
Mapapanood na ang “Wag Mong Agawin Ang Akin” sa Vivamax simula sa July 31.
https://bandera.inquirer.net/311894/ex-pbb-teen-housemate-may-17-anyos-na-anak-na-nabuntis-uli-nang-bumalik-sa-pagtatrabaho
https://bandera.inquirer.net/311966/sb19-mnl48-no-1-top-trending-topic-sa-twitter-nang-pumasok-sa-pbb-house-1948sabahaynikuya-winner
https://bandera.inquirer.net/309069/paolo-yen-spotted-na-magka-holdings-hands-sa-mall-hindi-totoong-hiwalay-na