NGAYON pa lang ay excited na ang Kapamilya leading man na si Zanjoe Marudo sa pagtungo sa Amerika para sa “Beyond the Stars: Star Magic US Tour” na magaganap ngayong August.
Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapunta sa nasabing bansa para magpasaya ng mga kababayan natin doon kaya naman atat na atat na raw siyang umalis
“Nakakatuwa na maging part pa rin ako ng tour nitong Star Magic kasi di ba nga ang tagal na ring wala. Excited ako na makita yung mga kapamilya natin diyan again at makapagpasalamat sa kanila.
“Nakaka-excite din kasi ang tagal ko ng hindi nakakatapak sa stage para mag-perform sa mga kapamilya natin dito sa ASAP tapos sa abroad,” pahayag ni Zanjoe.
“Nakakatuwa ito dahil ito yung trabaho na parang walang pressure na nararamdaman. Parang hindi ka nape-pressure, parang gustong gusto mo na pumunta, gusto mo na gawin, gusto mo na mag-perform para ma-meet yung mga tao, yung mga kababayan natin.
“Ewan ko, ganu’n yung pakiramdam ko pag ganitong event yung papasukin ko. Wala akong pressure na nararamdaman kasi excited ako na magpasalamat at makita yung ngiti at saya ng mga kapamilya natin abroad,” aniya pa.
Binalikan din ng aktor ang unang pagsabak niya sa Star Magic tour abroad noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz na aniya’y siyang pinaka-memorable sa kanya.
“Siguro yung first time na napasama ako sa Star Magic tour. Siyempre bago pa lang ako nung time na yun. Kasama ko pa yung mga friends ko yung Coverboys tapos first time ko rin sa States.
“Sobrang tagal na, 16 years ago yun. Ayun na-meet ko yung family ko na nasa America for the first time kaya nakakatuwa. Hindi naman mangyayari yun nung time na yun kung hindi dahil sa trabahong ito, sa tour na ginawa namin. So nakakatuwa. Yun para sa akin yung pinaka memorable,” pahayag ng aktor.
May payo rin siya sa mga younger Star Magic artists na makakasama niya sa US tour tulad nina Belle Mariano, Donny Pangilinan, Andrea Brillantes at Gigi de Lana.
“Hindi ito katulad ng mga ginagawa naming shows dito sa Pilipinas. Siyempre andiyan yung excitement pero kailangan ready kayo kasi hindi siya madali.
“Nakakapagod siya physically kasi kanya kanya tayong dala ng mga gamit natin, wala tayong mga PAs na kasama.
“Pero okay yun kasi magtutulungan naman tayo at hindi naman tayo kumbaga mag-iiwanan sa show na ‘to. Kaya tayong magkakasama dito para mag-bonding, yung pagiging magkapatid natin sa Star Magic.
“Ang pinakaimportante siguro mag-enjoy talaga, have fun tapos enjoyin natin yung lugar. Yung mga kapamilya natin dun sa States, importante na madami nila kung gaano tayo ka-thankful na sinusuportahan nila tayo hanggang ngayon,” paalala pa ng binata.
Sa huli, natanong nga si Zanjoe kung anong legacy ang nais niyang maalala ng publiko tungkol sa kanya.
“Siguro sa every character na gagawin ko, bad, good, or kung ano man yan, sana makapag-inspire. Sana makaiwan ako ng lesson sa lahat ng mga characters na gagawin ko.
“Sana kung hanggang saan man ako abutin dito sa industriyang ito, sana ang maalala nila yung isang simpleng taga probinsya na umabot ng pangarap at naabot niya sa pamamagitan ng pakikisama, ng pakikinig at willing matuto,” sabi ni Zanjoe Marudo.
https://bandera.inquirer.net/306447/zanjoe-super-loyal-pa-rin-sa-abs-cbn-star-magic-hindi-yun-mababayaran-ng-kahit-ano
https://bandera.inquirer.net/295377/zanjoe-habang-nagte-taping-ng-serye-para-kayong-namboboso-ganun-yung-naramdaman-ko
https://bandera.inquirer.net/302703/zanjoe-sa-mga-cheater-itutuloy-mo-ba-o-iisipin-mo-yung-mga-taong-masasaktan-at-matatapakan-mo