Kyle Echarri, Chie Filomeno umamin na sa tunay na estado ng relasyon; ang lakas ng chemistry sa ‘Beach Bros’

Chie Filomeno at Kyle Echarri

KILIG at good vibes ang handog ng dating “PBB Kumunity” celebrity edition housemates na sina Kyle Echarri at Chie Filomeno sa iWantTFC original series na “Beach Bros.”

In fairness, bagay na bagay at ang lakas ng chemistry on screen ng dalawang Kapamilya stars kaya siguradong tututukan ng madlang pipol ang kauna-unahan nilang project together.

Kamakalawa, July 9, humarap sa entertainment media sina Kyle at Chie kasama ang iba pang cast members ng nasabing online series kabilang na sina Angelica Lao, Kira Balinger, Brent Manalo, Raven Rigor, Sean Tristan at Lance Carr.

Dito nga natanong ang dalawa kung ano na ang real score sa kanilang relasyon dahil super comfortable na nga sila sa isa’t isa at talagang may kilig na hatid sa manonood ang kanilang tambalan.

“Magkaibigan lang po talaga kami. It has always been like that since PBB. Siyempre, may mga nakikita po ng mga fans, ginawan po ng twist, of course, may mga kilig moments na nakikita po sa PBB, pero ever since naman po talaga, hanggang ngayon magkaibigan lang po talaga kami,” pahayag ni Kyle.

At yan daw ang dahilan kung bakit hindi nahirapan si Chie sa mga pakilig scenes nila sa “Beach Bros”.


“Hindi mahirap kasi nandiyan na ‘yung rapport din. Like I said, doon sa mga interviews din, nandiyan na ‘yung connection and then ‘yung bond. And parang ‘yung sa eksena, parang go with the flow na kaming dalawa,” sabi ng dalaga.

Natanong din ang magka-loveteam kung ano ang masasabi nila sa age preferences in a relationship.
Sagot ni Chie, “Ako kasi hindi mo talaga matuturuan ‘yung puso mo like sabihin mo may restriction ka sa ganito, ayaw mo ng ganito, ayaw mo ng ganyan, but the next thing you know, in love ka na doon sa tao.

“So parang for me, kung saan ka dadalhin ng puso mo, yeah you just have to follow. Mahirap talagang kontrolin, ‘yung puso talaga mahirap kontrolin,” dagdag ng aktres.

Sey naman ni Kyle, “Ako, I’ve always said this, never regret something that made you smile. ‘Yun. Wala, napa-smile ka naman.

“Never regret something that made you happy. Of course, sometimes you have to think of the bads that comes with it, the bads that you did to get that happiness. When it’s too good, it’s not good at all,” diin ng binata.

Anyway, mapapanood na nang libre ang feel-good serye ngayong Hulyo 16, na tungkol sa gwapong binata na si Dave (Kyle) at ang barkada niyang kilala bilang “Baler Boys” na sina Billy, Jeremy, Jason, at Pete (Lance, Sean, Brent, at Raven).

“You only live once” ang life motto ng kanilang grupo kaya naman nagsusumikap sila bilang mga waiter at pool boy sa isang enggrandeng resort para matupad ang pangarap nilang manirahan sa Manila.

Kahit sinasakyan nila ang mga kalokohan ng isa’t isa, mayroon pa rin silang pinagdadaanan na mga pagsubok sa kani-kanilang buhay. Desperado si Dave na kumbinsihin ang kanyang ina na payagan siyang mag-aral sa Manila; nagkakalabuan naman si Billy at ang kanyang matinong girlfriend na si Yasmine (Angelica); si Jason ay may lihim na pagtingin kay Erika (Kira); habang si Pete naman ay may tinatagong feelings para sa kanyang best friend.

Magbabago ang buhay ng kanilang barkada nang makilala nila si Nicole (Chie). Si Nicole ay isang misteryoso at sexy na babaeng tila tutulong sa kanilang barkada kung paano maging wais sa kanilang mga desisyon.

Mapapalapit si Nicole sa kanila, lalong-lalo na kay Dave na patay na patay na sa kanya. Ngunit malalaman ng grupo na mayroon pa lang ibang pakay si Nicole at may itinatago itong sikreto na maaaring ikapahamak nilang lahat.

Dahil dito, madadamay si Dave at ang buong barkada sa gulo. Dadaan sila sa matinding pagsubok kung saan masusubukan ang kanilang pagkakaibigan.

Malulusutan ba ng barkada ang kanilang mga problema? Ano ang totoong pagkatao ni Nicole?

Ang “Beach Bros” ay sa ilalim ng direksyon ni Victor Villanueva at mapapanood na ito nang libre sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iWantTFC website (iwanttfc.com) simula ngayong July 16.

https://bandera.inquirer.net/318374/kyle-echarri-tumangging-mag-trunks-sa-beach-bros-hindi-pa-confident-magpakita-ng-katawan

https://bandera.inquirer.net/299135/chie-umamin-na-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-kyle-yung-sa-amin-kasi-its-a-special-bond

https://bandera.inquirer.net/306941/kyle-echarri-may-inamin-tungkol-kay-chie-filomeno-matapos-maging-close-sa-loob-ng-bahay-ni-kuya

Read more...