Enchong Dee nagbilad na rin ng hubad na katawan, hirit ng netizen: ‘Salamat po sa ayuda!’

Enchong Dee

PINAINIT ng Kapamilya actor-entrepreneur na si Enchong Dee ang social media nang tumambad sa mga netizens ang kanyang hubad na katawan.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagpa-pictorial ang binata na underwear lang ang suot para sa bago niyang endorsement.

In fairness, kitang-kitang pinaghandaan talaga ni Enchong ang nasabing proyekto dahil hunk na hunk nga ang datingan ng kanyang mga black and white photos.

Grabe ang abs at muscles ng aktor with matchihg pabukol pa kaya naman nagpiyesta talaga ang kanyang mga fans lalo na ang mga beki na nagpapantasya sa kanya.

“Something to heat up this rainy day,” ang caption na inilagay ng celebrity photographer na si BJ Pascual sa inilabas niyang mga litrato ni Enchong na naka-briefs lang.


Hindi lang mga fans ni Enchong ang na-shookt at na-excite sa bago niyang endorsement kundi pati na rin ang kanyang friends from showbiz.

Komento ni Maja Salvador  “Sandaleeeeee!”

Sey naman ng kanyang co-host sa “Pinoy Big Brother” na si Bianca Gonzalez, “Ito pala ang pinaghahandaan mo, @mr_enchongdee!!!”

“Uy Nak!!! Grabe!!!!!” comment ni Jackielou Blanco.

Panunukso ng award-winning actress kay Enchong na si Mylene Dizon, “Chong, yung pants mo!”

“Gigil ako dyan eh!” hirit ni JC Santos.

Sey ni Iza Calzado, “Grabe ka!”

Isang netizen din ang nag-comment sa “underwear” pasabog ng aktor na hindi napigilan ang sarili na humanga sa katawan ni Enchong. Aniya, “Salamat po sa ayuda!”

Samantala, makalipas ang mahabang panahon, mapapanood muli si Enchong sa bagong romance-comedy movie na “Reset U/I” sa direksyon ni JP Habac. Makakasama niya rito si Alexa Ilacad.

https://bandera.inquirer.net/288780/enchong-patuloy-na-sinusuwerte-sa-negosyo-namigay-ng-ayuda-sa-600-pamilya
https://bandera.inquirer.net/302099/enchong-ibinandera-ang-wacky-dance-video-matapos-madiin-sa-cyber-libel-case
https://bandera.inquirer.net/312916/enchong-dee-nagpakita-ng-suporta-kay-leni-robredo-nakipag-reunion-sa-salazar-siblings

Read more...