Dennis, Julie Anne, Barbie bibida sa historical portal-fantasy na ‘Maria Clara at Ibarra’; Jo Berry pa-cute na kontrabida

Julie Anne San Jose, Dennis Trillo at Barbie Forteza

HINDI talaga nauubusan ng mga pasabog at pasorpresa ang GMA 7 para sa kanilang mga loyal Kapuso viewers.

Very soon ay mapapanood na sa Kapuso network ang isa na namang kakaiba at exciting na teleserye na siguradong pag-uusapan ng mga Filipino mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Balitang kasado na ang upcoming series na “Maria Clara at Ibarra” na isang historical portal fantasy ang konsepto at tema.


Ang programang ito ay pinagbibidahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, at 2016 Fantasporto International Best Actress and Primetime Princess Barbie Forteza.

Ito ay kwento ng isang Gen Z na mapupunta sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal at makikilala ang mga tauhan sa mga kwento nito kabilang na sina Maria Clara at Ibarra.

Dito, muling bubuhayin ang mga sikat na karakter sa mga obra ng Pambansang Bayani na siguradong kapupulutan ng aral ng bawat manonood lalo na ng mga estudyante na interesado hindi lang sa tsismis kundi sa maging sa kasaysayan.

Abangan ang kakaibang historical portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra” sa GMA.

* * *

Kapana-panabik ang bagong papel na gagampanan ni Jo Berry na bibida sa anniversary special ng “Daig Kayo ng Lola Ko” na magsisimula na ngayong gabi.

Magbabalik-eksena si Jo bilang si Rumpelstiltskin, ang magsisilbing utak ng tatlong villain na makikilala ni Princess (Lime Aranya) sa month-long anniversary special ng programa.

Ibinahagi ni Jo na hindi siya masyadong nahirapan sa kanyang role sa programa bilang isang nakaaaliw na kontrabida.

“Hindi siya hardcore na kontrabida, parang pa-cute lang. Ipapakita lang na bossy siya, na iritable siya, pero hindi talaga siya yung nang-aapi totally so hindi naman po ako nahirapan,” sabi ng aktres.

Feeling blessed din siya sa role na ibinigay sa kanya ng production at makasama sa anniversary special ng award-winning fantasy-adventure show ng GMA.

“Thankful ako kasi yung mga opportunity na binibigay sa akin ng GMA ay tuloy-tuloy at laging yung mga roles ko ay kapupulutan ng aral, which is kung ano naman po yung gusto ko,” chika ng Kapusp star.

Huwag palampasin ang mahiwagang anniversary special ng “Daig Kayo ng Lola Ko: Bida Kontrabida” tuwing Linggo, 7 p.m. sa GMA. Makakasama rin dito sina Rufa Mae Quinto, Cai Cortez, Andrei Paras at marami pang iba.

https://bandera.inquirer.net/306048/jo-berry-pinatunayang-hindi-lang-binabatuk-batukan-pangperya-ang-mga-little-people

https://bandera.inquirer.net/316935/imee-marcos-nangakong-walang-historical-revisionism-na-magaganap-sa-maid-in-malacaang-ni-darryl-yap

https://bandera.inquirer.net/302658/geneva-nang-alukin-ng-gma-bilang-kontrabida-sabi-ko-teka-muna-di-ko-alam-kung-matutuwa-ako-diyan

Read more...