Winwyn bilang nanay: Nakaka-miss yung hawak ang sarili mong oras pero hindi ko ipagpapalit yung time ko ngayon kay Luna

Winwyn Marquez at Baby Luna

KAHIT na mahirap at punumpuno ng challenges ang pagiging nanay, hinding-hindi ipagpapalit ni Winwyn Marquez sa kahit anong bagay ang oras niya kasama ang kanyang anak.

Muling nagbigay ng update ang Kapuso actress at TV host tungkol sa kanyang journey bilang mommy ngayong mahigit isang buwan na ang panganay niyang si Baby Luna.

Sa kanyang Instagram page, nag-post ang aktres at dating beauty queen ng bagong photo nila ng kanyang anak kung saan ikinuwento niya ang latest discovery niya as a first-time mom.

Aniya sa caption, “8 weeks and 6 days postpartum.

“My malambing clingy boss baby who sleeps so well pag nasusunod ang routine namin,” simulang sey ni Winwyn.

“Napansin ko na kailangan by 9 nakahiga and tulog na siya (makakatulog na din ako or ayos ng things niya) if not iiyak na talaga siya and di mapakali kaya pag naiiba routine medyo mahirap na siya patulugin.

“Not sure if ganito na lagi pero sana (finger crossed emoji). Totoo nga na it will be a little easier! need ko lang muna sundin ang cues ni boss baby.

“Si Luna na talaga ang focus pero kahit papano may sense of normalcy na din ako…putol putol padin ang tulog ang parang naghahabol sa kilos pero mas okay na ngayon sana tuloy tuloy na.

“Yes, nakakamiss na hawak ang sariling oras pero hindi ko pag papalit yung time ko with luna now,” sabi pa ng celebrity mom.


Nauna rito, pinusuan din ng mga netizens ang pagiging “padede mom” ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno. Nagbahagi kasi ang aktres ng litrato habang nagpapa-breastfeed kay Baby Luna.

“Breast Milk is still the best milk you can give your little one but there are many factors involved to its possibility and supply.

“So whether you give breast milk, formula, or combination – know that as long as you’re trying your best to be a good mother…you’re already doing a great job. Don’t be too hard on yourself mama,” sabi pa niya sa caption.

https://bandera.inquirer.net/312935/joey-kay-winwyn-sabi-ko-bumalik-ka-na-sa-trabaho-at-ako-na-ang-mag-aalaga-sa-apo-ko

https://bandera.inquirer.net/315460/winwyn-ibinandera-kung-gaano-kaalaga-si-joey-sa-kanyang-mga-apo

https://bandera.inquirer.net/313584/winwyn-inaatake-ng-postpartum-ilang-araw-umiiyak-pagkapanganak-kay-baby-luna

Read more...