Hirit ni Regine sa ‘baliktad na mic’ blooper: Minsan talaga ang life gagawa at gagawa ng paraan para ibagsak ka sa Earth, ‘no!?

Regine Velasquez

SUPER laugh na lang ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa nangyaring blooper nang mag-perform siya sa “ASAP Natin To” last Sunday.

Talagang nag-viral at naging trending topic ang Kapamilya actress at OPM icon sa social media sa nakakaaliw na “sablay” niya sa weekly musical show ng ABS-CBN.

Ito nga yung bonggang duet number nila ng isa pang Kapamilya singer na si Jason Dy sa episode ng “ASAP Natin ‘To” last July 3 kung saan hindi niya napansin na baliktad pala ang kanyang microphone.

Pero in fairness, bago pa magsimula ang part niya sa duet nila ni Jason agad niyang  binaliktad ang mic na parang walang nangyari.

Kinaaliwan ito ng netizens na talagang ni-repost pa sa kani-kanilang social media accounts ang video clip ng blooper ni Regine kaya naman mabilis itong nag-viral.

Kasunod nito, nag-post din si Regine sa Twitter at humirit na, “Wala namang nakapansin di ba?”

Sa Instagram naman niya ibinahagi ang kanyang video kahapon, July 9 kung saan nabanggit nga ng Songbird na ang kinanta nila ni Jason ay “In Love With You”. Ito ang duet ni Regine at ng Chinese singer na si Jacky Cheung noong 1994.

Sey ni Regine sa caption, “Minsan talagay ang life gagawa at gawa ng paraan para ibagsak ka sa earth no ??!!

“Yung sobra kang confident dahil alam na alam mo tong song na to bilang ni record mo to at ilang dikada mo na tong kinakanta eh.


“At pa smile smile ka lang oozing with confidence ka sa madaling salita ang yabang mo pa eh!!!!

“Tapos………… teh baliktad mic mo BALIKTAD EH!!!!!! BALIKTAD TEH!!!!!!! (laughing with tears emojis) #haylife @jasondy,” ang chika pa ng Songbird.

Hindi lang mga fans ni Regine ang napa-react sa kanyang blooper kundi pati na rin ang mga kapwa niya celebrities tulad nina Jason Dy, Rita Daniela, Jed Madela, Sheena Halili, Klarisse de Guzman at Janine Gutierrez.

“Miss regggggg pano ka hindi tumawa,,,,,, (laughing with tears emojis),” ang hirit na comment naman ng isa sa mga hosts ng “ASAP” na si Janine Gutierrez.

https://bandera.inquirer.net/313033/mike-enriquez-nag-viral-matapos-tawagin-si-sharon-cuneta-na-helen-gamboa-netizens-tawang-tawa

https://bandera.inquirer.net/305007/zsa-zsa-biglang-napaiyak-pagkatapos-kumanta-kasama-sina-regine-at-angeline
https://bandera.inquirer.net/308347/hirit-ni-ellen-sa-kwelang-netizen-baka-sa-part-2-ng-panaginip-mo-patay-ka-na-joke

Read more...