Eric Nicolas nagtinda ng ice candy, nagboksing, nag-banda para lang mapag-aral ang mga kapatid

Eric Nicolas

MATINDI rin pala ang mga pinagdaanang hirap at pagsubok sa buhay ng Kapamilya host-comedian na si Eric Nicolas.

Kung anu-anong klaseng trabaho at karaketan ang pinasok niya noon para lamang mapag-aral ang lahat ng kanyang mga kapatid.

Kuwento ng komedyante, hindi biro ang ginawa niyang pagsasakripisyo at pagsisipag sa buhay para lang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya.

“Normal na ‘yung kapag komedyante ay may pinagdaanan ‘yan. Ang mga pinagdaanan ko mas malupit pero walang nakakaalam nun. Ginagawa ko rin siyang pundasyon.

“Kumbaga siya ang nagbibigay sa akin ng lakas na hindi ko na puwedeng pagdaanan ulit ito.


“Nagpaaral ako ng mga kapatid ko na hindi na ako nag-aral. Anim ang napag-aral ko. Ngayon sila may nurse, may abogado, engineer,” ang super proud na pahayag ni Eric tungkol sa mga kapatid sa panayam ng Inside News ng Star Magic.

At knows n’yo ba na bukod sa pagdo-drawing at paggawa ng art projects ng mga kaklase, nagtinda rin siya noon ng ice candy at pinasok din niya ang pagboboksing maitaguyod lamang ang pag-aaral ng mga kapatid.

“Nag-drawing ako ng assignments ng mga estudyante, gumawa ako ng shop. Nagbanda ako, nag-boxing ako. Lahat pinasok ko lahat. Nag-stand-up comedian ako.

“Ang dami kong ginawa may maibigay lang akong baon sa mga kapatid ko.

“Halimbawa ito ‘yung exam nila, paghahandaan ko ‘yan, magdo-double job ako na magdo-drawing ako sa hapon, kakanta pa ako sa gabi. Nag-animation din ako, lahat,” pagbabalik-tanaw pa ng komedyante.

Patuloy na pahayag ni Eric, “Ngayong tapos na sila, gusto nilang bawian ako, ako naman daw ang tutulungan. ‘Hindi,’ kasi mayroon akong trabaho. Ito naman ay para sa sarili ko ang trabaho ko at para sa asawa ko,” sey pa niya.

Pero nilinaw ni Eric na hindi naman niya talaga masasabing sakripisyo ang lahat ng kanyang ginawa para sa kanyang mga kapatid.

“Kapag masaya ka sa ginagawa mo, hindi sakripisyo ‘yon, pinapasaya mo rin ang sarili mo. Pinag-aral mo ang kapatid mo, nakita mong nag-graduate, ang saya. Okay silang lahat nakikita mo eh ‘di ang saya,” sabi pa ni Eric na makakasama rin sa “Beyond The Stars” US concert tour ng Star Magic sa darating na Agosto.

https://bandera.inquirer.net/309513/eric-nicolas-inaming-trabaho-ang-pagiging-bahagi-ng-uniteam-rally

https://bandera.inquirer.net/283463/nikki-tinulungan-ng-abs-cbn-para-mapag-aral-ang-anak-nagpasalamat-kay-wenn-deramas

https://bandera.inquirer.net/314191/angelica-panganiban-pinasok-na-ang-pagba-vlog-ikinuwento-ang-love-story-nila-ni-gregg-homan

Read more...