Rowena Guanzon: That Ruffa Gutierrez must learn to say ‘Congresswoman’

Rowena Guanzon: That Ruffa Gutierrez must learn to say 'Congresswoman'

MUKHANG mas tumitindi ang hidwaan sa pagitan nina Kapamilya actress na si Ruffa Gutierrez at P3PWD Rep. Rowena Guanzon.

Nag-tweet kasi ang dating Comelec commissioner ngayong araw kung saan nilelektyuran niya ang aktres kung ano ang dapat itawag sa kanya.

“That Ruffa Gutierrez must learn to say ‘Congresswoman’. Hahaha!” saad ni Guanzon.

Tila hinamon naman niya ito ng bardagulan kung hindi siya tatawagin bilang “Cong”.

“You call me cong or I will call u something else. Sige ka #Bardagulan,” dagdag pa ni Guanzon.

Nag-ugat ang isyu sa pagitan ng aktres at P3PWD representative nang mag-tweet ang huli ukol sa diumano’y pagpapalayas sa dalawang kasambahay ng amo nito sa hindi magandang pamamaraan.

Noong Huwebes, July 7 ay nanawagan si Guanzon kay Public Attorney’s Office chief Persi Acosta para tulungan ang dalawang kasambahay na tubong Negros Occidental dahil pinalayas sila ng amo nito at hindi rin ibinigay ang kanilang sahod.

Pagkukwento ng dating Comelec commissioner, kinailangan daw i-rescue ng kanyang kaibigan ang mga kasambahay.

“My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first class village by their employers without paying their salaries. Where is your compassion?” tweet ni Guanzon.

Noong una ay hindi niya pinapangalanan kung sino ang employer ng dalawa ngunit kalaunan ay tinawag niya ang pansin ni Ruffa hinggil sa isyu.

Agad namang sinagot ng aktres ang paratang sa kanya ni Guanzon at nilinaw na wala siyang pinapalayas na kasambahay dahil sariling desisyon ng mga ito ang umalis.

“Hello Ms. Guanzon, No it’s not true. There was a situation at home while I was shooting on the set of “Maid In Malacañang”, so my staff had to call security to make sure my children were safe,” sagot ni Ruffa.

Ayon pa kay Ruffa, inaaway raw ng dalawa ang mayordoma na matagal nang nagsisilbi sa kanilang pamilya.

Dagdag pa ng aktres, “The 2 new kasambahays who have been in our household for only around 2 weeks were fighting our 68-year old senior mayordoma (who has been under my care for more than 18 years).

“Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave.”

Ani Ruffa, generous daw siya sa mga taong mahal niya at mga nagtatrabaho sa kanya kaya naman nagtatagal ang mga ito sa kanila.

Sinabi rin niya na ipinaubaya na niya sa kanyang legal team ang pag-handle sa sitwasyon.

“My lawyers are on top of the situation. Thank you and have a great day po,” sey ni Ruffa.

Related Chika:
Rowena Guanzon kay Ruffa Gutierrez: Where is your compassion?

Ruffa Gutierrez sumagot sa paratang ni Rowena Guanzon: I did not fire anyone

Read more...