Sunshine: Baka may lalaki pang dumating na para sa akin lang!

Cesar Montano at Sunshine Cruz

PASABOG ang mga binitiwang pahayag ni Sunshine Cruz sa exclusive interview sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda sa The Buzz last Sunday. Mabigat ang sinabi ni Sunshine na hanggang ngayin ay hindi malimutan ng mister niyang si Cesar Montano na dati siyang bold star. Ni hindi man lang sexy star, huh!

Siyempre, napakasakit noon, ‘no! For 13 years na magkasama sila ni Cesar, e, ‘di pala tanggap ng aktor ang nakaraan ni Sunshine kahit na nga kung anu-ano na ang mga ginawa niya para lang maging forever ang pagsasama nilang mag-asawa.

Nakausap naman namin si Sunshine after her live interview sa The Buzz and she revealed to us kung bakit naging open siya sa pagsisiwalat sa mga dahilan kung bakit sumuko na siya sa relasyon nila ni Cesar.

“Alam mo hangga’t maaari gusto ko nga baliin ‘yung sinasabi na kailangan ‘yung mga mag-ex maging masalimuot muna ang mga pangyayari bago magkasundo. I really wanted to break that. Kaya talagang nakipagkaibigan ako kay Buboy. Pero talagang hindi pala talaga pupuwede. Kailangan talaga masalimuot and maybe in God’s time baka naman maging maayos.

“And I’m hoping for that para na lang sa mga anak ko. But we both need time,” pahayag ng isa sa lead cast ng bagong pantaserye ng ABS-CBN directed by Wenn Deramas, ang Galema.

Desidido na rin si Sunshine na idaan lahat sa legal process ang mga bagay-bagay sa kanila ni Cesar magmula sa custody ng tatlo nilang anak na babae hanggang sa separation of properties.

“Yes, legal separation din. Syempre naman para mahanap din niya ang kanyang kaligayahan at ako, baka may dumating pa sa akin,” ngiti ni Sunshine.

Kung may ibibigay daw ang Diyos para sa kanya, why not? Pero kung wala, nandiyan naman daw ang mga anak niya. Hindi niya ikamamatay kung wala siyang lovelife.

But if ever na merong ma-link kay Sunshine na guys ngayon, bakit naman hindi, maganda, seksi, bata at sikat pa rin naman siya hanggang ngayon, “Naku, hindi pa siguro ngayon. Takot lang nila. Ha-hahaha!”

Tinanong namin si Sunshine tungkol sa maganda nilang bahay ni Cesar sa Tivoli Royale na ipinakita noon sa morning show ni Kris Aquino na Kris TV.

“Nasa kanya, mga kamag-anak niya nandu’n. Okey lang naman ako. I know, I think pinagawa niya ‘yung bahay na ‘yun hindi para sa amin kundi para sa relatives niya,” kasunod ang tawa ni Sunshine.

Pag-aari pa rin ‘yun ni Sunshine at mga anak nila ni Cesar pero ayaw daw niyang tumira doon, “It’s too big and how can I move on kung nakikita ko ang relatives niya? I have nothing against his relatives, ha, mababait sila. But I need to move on and seeing them will be difficult for me kaya nag-rent na lang ako ng bahay with my children.”

Magkakaroon daw sila ng hearing sa kasong isinampa niya laban kay Cesar next month, “Ngayon ‘yung joint custody muna kami for two months tapos we will see after that, ‘yung hatian sa mga bata. ‘Yun namang violence against women and children act, let’s wait and see. Of course, whatever happens, honestly, I don’t want him na makulong. Ang gusto ko lang patunayan dito is lubayan niya na lang, kailangan niya kasi akong lubayan. And it’s a good thing that we did it kasi ngayon talagang quiet na siya,” diin pa ng aktres.

 

Read more...